CHAPTER 22
“I think, ok lang kung next month na tayo magpakasal,”
“Phillip, ok ka lang? hindi ba masyadong maaga iyon?”
“Zia, c’mon, we are not getting any younger. The earlier, the better.”
“Okay. Sabi mo eh.” Hindi niya alam pero may bahagi ng puso niya ang hindi masaya sa agarang desisyon ni Phillip.
Hindi siya pinabayaan ni Patricia at Angela sa paghahanda para sa kasal niya. Ang mga souvieners ay sa mismong supplier ng gift shop niya nanggaling kaya ang laki nang natipid nila.
“Ate, look at this one. Ang ganda niya. bagay na bagay ‘to sa’yo.” Kalabit sa kanya ni Angela. Pumunta sila ng Boutique para sa kanyang wedding gown.
Isang tingin palang niya sa gown ay nabighani na niya sa ganda nito.
Mayamaya ay may lumapit sa kanilang Sales Assistant at tinanong sila kung ano ang kelangan. Matapos silang kausapin ng Sales Assistant ay pumasok ito sa isang nakasaradong kwarto at pag balik ay may kasama na itong kukuha ng sukat niya.
“Thank you, Ma’am. Ipapa-deliver nalang po namin after three weeks.” Kumaway pa sa kanila ang Sales Assistant na nag entertain sa kanila.
“Kumusta ang lakad niyo, anak?” Bati agad ng Papa niya pagkapasok pa lamang nila. Nanonood ito ng pang gabing balita.
“Okay naman ‘Pa. Medyo nakakapagod lang po.”
“Teka nga muna,” lalo pa itong lumapit sa screen ng television.
Napasunod sila dito kaya nakita niya din sa screen kung bakit naging interesado ang ama niya sa ibinabalita sa telebesyon “No! Hindi ‘yan totoo. Hindi ‘yan totoo!” Paulit-ulit na sigaw niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin basta na lamang tumulo ang luha niya at halos liparin ang hagdan pataas.
“Hindi ka pwedeng umalis, anak. Nakita mo bang nag uumpisa nang lumakas ang hangin at malamang wala ring biyahe nito pabalik ng Manila.
“Kelangan ko siyang makita. Kelangan kong makasama si Phillip, Papa. Kelangan niya ako.” Nanghihinang napaupo siya sa sofa habang sapu-sapo ang ulo.
“Sshhsss. Aalis tayo. Angela, ayusin mo ang gamit mo, samahan mo ang ate mo. Luluwas tayo ng Maynila.” Mabilis namang tumalima si Gelai at ilang saglit lang itong nawala. Mayamaya bumalik na itong may sukbit na bag.
Mahigit anim na oras ang ibiyenahe nila mula Bicol Region hanggang Maynila dahil sa sama ng Panahon. Habang biyahe ay tumawag na siya sa Nanay Clarita niya at inalam kung saang Hospital dinala si Phillip.
Kakaibang kaba na agad ang nararamdaman ni Zia pagkapasok pa lamang nila ng Hospital. Nasa bukana pa lamang sila ng Emergency Room ay may nakita na silang inilabas na stretcher. “Excuse me!’ Tawag-pansin nya sa apat na Hospital Attendant na tumutulak sa stretcher.
“Yes, Ma’am?”
“Baka pwede pong makita?” Bago pa magbigay nang pahintulot ang mga ito ay inunahan na niyang iaangat ang puting tela na nakatakip sa pasyente. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makitang hindi iyon si Phillip.
Dumiretso siya sa Emergency Room at wala sa sariling nagtanong-tanong doon. Kahit sino nalang ang nakakalabit niya para magtanong.
Para siyang binagsakan ng langit dahil sa sagot na nakuha niya sa isang Nurse doon.
Walang nagawa si Gelai nang bigla siyang tumakbo habang nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha niya.
Dumiretso silang dalawa sa Morgue kung saan nakalagak ang katawan ni Phillip. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos niya ang halos hindi na makilalang mukha nito. Kulay papel na iyon. Malinis na rin ang katawan nito. Sila nalang daw ang hinihintay para sa kunin ang katawan nito.
“P-phil…” ginagap niya ang malamig nitong kamay. Umaasang pagsasalikupin nito ang mga kamay nila na nakagawian nito noong nabubuhay pa.
“Ang daya-daya mo! Sabi mo hindi mo ako iiwanan. Sabi mo hindi na ako iiyak at masasaktan. Pero ikaw din pala ang magpapaiyak ulit sa akin. Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo agad ako sinukuan? Mahal na mahal kita. Salamat sa maikling panahon na naiparamdam ko sa’yo na natutunan na kitang mahalin. Salamat sa mga panahong ipinaramdam mo sa akin na ako lang ang natatanging babae sa buhay mo. Salamat sa pagmamahal na dinala mo hanggang kamatayan. I love you, Phil.” Hindi niya napigilang hindi mapahagulgol habang yakap niya ang katawan nito. Nanatili namang nasa likuran niya si Gelai para umalalay sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...