Epilogue

12.3K 212 19
                                    

EPILOGUE

Limang araw lang na ibinurol nila si Phillip. Sa Orphanage na rin lumaki si Phillip kaya sila lang din ang matatawag na kapamilya nito. Ngayong araw na ang paghahatid nila sa huling hantungan ng lalaki. Isa-isang nag hagis ng puting rosas ang mga nakipaglibing habang ibinababa ang kabaong nito sa hukay. Siya ang huling naghagis ng bulaklak bago iyon tabunan.

Nakiusap siya sa mga kapatid na iwanan na siya doon. Kaya niya na naman magmaneho pauwi ng Condo.
“Condolence,” halos pabulong lang iyon. Hindi siya nag aksaya ng panahon para tingnan kung sino ito dahil kilalang-kilala naman niya kung sino ito.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Zia…”
“Leave me alone! Hindi na kita gustong makita, Cainon Silverio!” Ilang saglit lang ay narinig na niya ang mga yabag nitong papalayo. At may bahagi ng puso niya ang nais na pigilan ang lalaki.
Muling tumulo ang mga luha niya and this time, hindi na niya alam kung para kanino ang mga luha na iyon. Gusto niyang humakbang pero nanghihina ang mga tuhod niya at tila walang kakayahan ang mga iyon na kumilos.
“I’m so sorry, Phillip.” Nanlalabo ang mga matang humakbang na siya palayo.

ONE YEAR LATER…

“Let her in, Rose.” Utos ni Cainon sa secretary niya.
“Yes, Sir.”
Ilang Segundo lang ang lumipas nang marinig ni Cainon na bumukas ang pinto.
“Hi,” saka palang siya humarap sa bisita.
“Zia,” pakiramdam niya nanuyo bigla ang lalamunan niya pagkakita sa babae. Maikli na ang buhok ng babae at bumagay dito ang pagkaka-highlight niyon. Mas lalo yata itong naging maganda at kaakit-akit sa paningin niya.
“Please have a sit, Miss Guevarra, I mean, Miss Ocampo.” Napaka-pormal ng tono ni Cainon pero ang puso niya ay halos kumawala sa kinape-pwestuhan nito.
“So, what brought you here?”
“Cainon, I’m here to say sorry. Sorry doon sa mga panahong sarado ang tenga ko para pakinggan ang mga sorry mo.”
“Kalimutan na natin iyon.” Rumihestro sa mukha ni Zia ang kalungkutan. Iniisip marahil nito na nagsusungit siya.
“Isang taon nang wala si Phillip at tanggap ko na iyon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lungkot-lungkot ko parin. Katangahan ba ang tawag sa nararamdaman ko? Na kahit nasaktan ako pero mahal parin kita? Mahal na mahal parin kita, Cainon. Ginawa ko naman ang lahat para makalimutan kita. Pero ang hirap-hirap. Sorry kung inaabala pa kita. Hayaan mo ito na ang huling beses na magpapakita ako sa’yo. Hindi naman kita masisisi kung wala na akong lugar diyan sa puso mo. Sorry ulit.” Akmang tatayo na si Zia pero mabilis na nahawakan ni Cainon ang kamay niya.
“Paano kung sabihin ko sa’yo na pareho lang tayo nang nararamdaman? Ilang beses kong sinubukan na lumapit sa’yo noon pero nakita kong masaya ka na kay Phillip kaya hindi na ako naglakas-loob na kausapin ka. Hindi ko kayang agawin ‘yong kaligayahang nararamdaman mo sa piling niya kasi alam ko naman na baka masaktan lang ulit kita. Pero alam ng Diyos kung paano ko pinagsisihan ang mga kamaliang nagawa ko sa’yo. Na sana pwede kong ayusin ang lahat at ibalik ang dati pero alam kung huli na lalo na nong nalaman ko na engage ka na kay Phillip. I’m so sorry, Zia.” Hindi niya mapigil ang mga kamay na haplusin ang mukha ng lalaki.
“Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin lahat ni Marrius. Sorry kung hinusgahan agad kita noon.”

“Kalimutan na natin ‘yon. Ang importante, alam mo nang ni minsan hindi kita niloko. Nagpakatino ako simula nang makilala kita. Remember the first night? Doon palang binago mo na ang tibok ng puso ko. Ginulo mo na ang sistema ko. Ginulo mo ang lahat ng parte ng katawan ko pero pilit kong itinangi iyon kasi wala naman sana akong balak mag mahal pero pati iyon binago mo. Salamat sa gabing ginulo mo ang buhay ko kasi doon ko na-realize na may kakayahan naman palang tumibok ang puso ko sa iisang tao. At ikaw ‘yon, Elexzia Ocampo.” Matamis na halik sa labi ang iginawad sa kanya ng lalaki.

Marahan siyang hinila ng lalaki patungo sa sasakyan nito na nakaparada sa ‘di kalayuan.
“Saan tayo pupunta?”
“Secret…” sagot sa kanya ni Cainon.
“Ang daya mo, ha!” Kunwari’y pagtatampo niya.

“Sa’n nga?” Pangungulit niya parin.
“Basta!”

Ilang minuto lang na nagmaneho ang lalaki nang ihimpil nito ang sasakyan sa isang bagong bukas na Restaurant. Malapit lang iyon sa ikalawang branch ng Orphanage na ipinatayo niya sa Parañaque. Palibhasa, bihira lang siya magawi rito kaya hindi na napansin na napatayuan na pala ang dating bakanteng lote.

ZIA’ZLLING HOUSE. Iyon ang nabasa niyang pangalan ng restaurant at kapangalan iyon ng kainan niya sa Isla Martina.
Tumingin siya kay Cainon na bakas sa mukha nito ang kasiyahan. “Do you like it?”
“What do you mean? Bakit kapangalan ‘to ng Resto ko?”
“Kasi sa’yo rin ‘to. Naaalala mo pa ba yong plano natin noon na magtatayo tayo ng restaurant na pwedeng magbigay ng libreng pagkain sa mga street children? Ito na ‘yon, Zia.”

“Hindi ba ako nananaginip?” Tangkang kukurutin niya pa ang sarili pero pinigilan siya ni Cainon.
“Totoo ito, Zia. Dapat, surpresa ko ito sa’yo after ng wedding natin kaso hindi ko na mapigilan ang sarili ko na ipakita ‘to sa’yo.” Nagulat man siya sa pag banggit ni Cainon ng tungkol sa kasal ay hindi na siya nagtaka pa doon alam niya naman na doon na sila patungo.

“Malapit ka nang maging Mrs. Cainon Enrique Lopez Silverio at ito ay pagtutulungan nating palaguin para sa mga batang nagugutom. Lahat ng profit nito ay mapupunta sa itinayo kung Charity Institution.” Tumingin ito sa paligid ng Resto na punong-puno ng customers.

“Thank you so much. Sobra-sobra namang regalo ito.” Yumakap siya sa lalaki na gumanti naman ito.
“I love you, Zia.”
“I love you more, Mr. Silverio.” Mabilis na naglapat ang mga labi nila habang nag niningning ang mga mata na puno ng pag-ibig para sa isa’t-isa.

The End…


The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon