CHAPTER 7
Pag lingon niya sa kama ay nakita niyang natutulog na ang dalaga. Nakalaylay pa ang paa nito sa gilid ng kama habang suot-suot pa nito ang red sandals. Marahan niya itong nilapitan at lumuhod siya sa sahig para tanggalin ang sapin nito sa paa. Hindi niya alam pero automatikong humaplos ang palad niya sa napakakinis nitong binti. Lalo pa siyang yumuko para gawaran ng halik ang paa nito. Nababaliw na nga yata siya.
Binihag mo na ang puso ko, Zia. Ang kabuuan ko. Pero mali ito.
Tumayo na siya at iniayos nang higa si Zia sa kama. He gently touched her face. Halos hindi niya maihiwalay ang mga mata sa kakatitig sa natutulog na dalaga. Alam niyang maraming nagbago sa kanya.
Tumayo siya at hinanap ang bag ng dalaga. Nang matagpuan iyon ay kinuha niya doon ang make-up remover doon at dinala iyon sa kama.
“Higit na mas maganda ka kapag walang make-up,” kausap niya sa natutulog na dalaga kahit alam niyang hindi siya naririnig nito.
Binihisan niya na rin ang dalaga at pagkatapos ay nahiga na rin sa tabi nito.
Kanina pa siya nakatitig sa ceiling ng Hotel room pero hindi parin siya dalawin ng antok. Bumaling siya sa pwesto ni Zia At nagulat pa siya nang makitang nakatagilid na ito paharap sa kanya. Muntik pang mag banggaan ang mga labi nila. Narinig niyang umungol ang dalaga na tila ba iniaalok nito sa kanya ang mga labi. Napalunok pa siya.
Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili. Kusa nang umusad ng konti ang bibig niya para abutin ang naghihintay na labi ng dalaga.
Huli na para umurong siya. Sakop na niya ang labi ng babae. He let his lips moved faster than normal. Nadadarang na siya lalo na nang maramdaman niyang gumagalaw na rin ang labi ng dalaga. He even heard her moan.
Lalong lumalim ang halikan nila. He grabbed her waist para lalo itong madikit sa katawan niya. He was about to stop their kiss when Zia wrapped her arms around his nape, doon biglang nabuhay lahat ng kaugat-ugatan niya. Para siyang Cogon grass na sinindihan at biglang lumiyab.
“Oh Shit! Zia. Stop torturing me. You’re drunk for god’s sake!”
“I want you Cainon. I still want you. I love you, Cainon.” Those three words really shocked him.
Biglang binitawan ng lalaki ang dalaga. Parang bigla siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa rebelasyon ng babae. Hindi pwedeng mahalin siya ng dalaga kasi alam niya sa sarili na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na iyon. Gusto niyang bumalik sa kwarto at yakapin ito ng mahigpit at sabihing mahal niya rin ito pero naduduwag siya. Hindi niya kayang labanan ang takot at pagdududa sa puso niya. Hindi siya pwedeng makipagsapalaran sa nararamdaman, baka kasi masaktan niya lang ang dalaga. Zia was a good woman, ang katulad nito ay hindi nararapat sa isang katulad niya na walang tiwala sa mga kababaihan. Ang katulad nito ay hindi pwedeng pag eksperimentuhan na kapag hindi niya na mahal ay pwede niyang iwanan.
Umuwi sila ng Manila na para silang hindi magkakilala. Hindi rin siya pinapansin ng dalaga; pabor iyon sa kanya. Hindi na niya kelangang iwasan ang babae kasi ito na mismo ang umiiwas sa kanya. Pero hindi maiwasang hindi magtama ang mga mata nila, magkalapit lang kasi ang upuan nila sa Eroplano. Pati mga titig ng dalaga ay parang nababalutan iyon ng yelo, wala na ang dating nakakadarang na sulyap nito.
Isang lingo na buhat nang makauwi sila ng Manila galing Cebu nang may mapansin si Gill sa kanya. “Nangangalumata ka ‘ata. Walang tulog?” Tinanggal niya ang salamin sa mata at tumingin nang patamad kay Gill. Hindi na niya kelangang magpaliwanag sa babae kasi alam naman nito kung gaano sila ka-busy sa Orphanage. Halos hindi na nga niya nadadalaw ang Gift Shop.
“Zia, four years mo nang personal na mina-manage ang Orphanage pero mukhang ngayon lang kita nakitang ganyan ka-stress. Yon lang ba talaga ang dahilan?”
“Yon lang talaga. I just need to report there everyday kasi nga magtatayo kami ng bagong branch sa Parañaque. Kelangan lang ng personal supervision ko. Ayoko namang i-asa kay Phil ‘yong gano’ng obligasyon. Nakakahiya do’n sa tao. Hindi na nga nagka-love life dahil sa ka-busyhan niya sa Orphanage.”
“Hindi nagka-love life kasi lagi mong bina-basted noon.” Nakatikwas ang kilay na sagot ni Gill.
“Gill, stop it! Alam mo naman na kapatid lang talaga ang turing ko do’n sa tao. Gusto ko nga sanang i-bestfriend kaso ayaw naman. Wait, ano kaya kong i-blind date ko kayong dalawa? Try lang natin, malay mo kayong dalawa pala ang nakatadhana.” Pilyang kurot ni Zia sa tagiliran ng kaibigan.
“Blind date ka diyan! Ang tagal na naming magkakilala no’n, baliw ka talaga at saka bago mo ako bigyan ng pag-ibig, ayusin mo muna yang sarili mo. Forget him na. move-on na, girl. Ayoko sanang sabihin ‘to sa’yo pero nakita ko si kumag the last day na may ka abre-siyeteng babae. Last week lang ay hindi kayo mapaghiwalay tapos, makikita ko siyang may kasamang iba. Ano nga ba talaga ang nangyari? Hindi ka naman kasi nagke-kwento. Muntik ko pa tuloy masugod ‘yong tao kung hindi lang ako napigilan ni Pami.
Lalo lang nadagdagan ang sama ng loob ni Zia kay Cainon dahil sa ibinalita ni Gill. Siguro nga balewala lang sa lalaki lahat ng nangyari sa kanila. Masyado lang siyang masaya noong mga nakaraang buwan kaya nag assume siyang may nararamdaman din sa kanya ang lalaki. Hindi niya man lang inisip na hanggang kama lang pala ang relasyon nilang dalawa. Ngayon niya lang naisip na ang laki-laki niya palang tanga na nagpatangay sa damdamin niya.
Isinubsob ni Zia ang sarili sa pamamahala sa Children of God Orphanage. Halos hindi na siya lumalabas sa opisina buong maghapon. Si Phil ang matiyagang naghahatid ng lunch niya pati na rin ng dinner. Tahimik lang ang lalaki, ni minsan hindi ito nag-usisa sa ipinagkakagano’n niya; mukhang may idea na ito.
“Andito lang ako lagi para sa’yo, Zia. Don’t worry, I know my boundaries.” Hindi rin nakatiis ang lalaki sa pananahimik.
“Sorry Phil, kung pwede nga lang turuan ang puso ko sana ikaw nalang ang minahal ko. Alam kung makakahanap ka rin ng para sa’yo.”
“H’wag mong problemahin ang lovelife ko. Masaya na ako sa ganito. Well, kung may dumating man sana ‘yong panghabang-buhay na.” Nakangiting tugon sa kanya ng binata.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...