CHAPTER 11
“Welcome back, Zia!” Malapad ang ngiting bumeso sa kanya si Patricia.
“Thank you.”
“So, how’s everything?”
“Ayos naman. Naihabilin ko na ang Orphanage kay Phillip. At ang Gift Shop ay kay Pami ko naman ipinagkatiwala.”
“That’s good. Anyway, naipa-reserve na kita ng cottage mo. You can stay there as long as you want and please enjoy our fifty percent discount,”
“What? Binigyan mo ako ng ganoon kalaking discount? Pat, nakakahiya naman.”
“No, it’s okey. It’s our pleasure to meet someone like you na kahit isang beses palang narating ang lugar namin ay na-appreaciate agad. Sana mag-enjoy ka. At salamat din sa pag i-invest mo ng Business dito. Malaking tulong iyon.”
“Thank you so much too, Pat. Salamat sainyong mag-asawa.”
“C’mon, let’s go. Muntik ko na makalimutan. Nagluto nga pala si Klark ng lunch para sa ating tatlo.”
Nagpatuloy ang kwentuhan nila habang-daan. Halos minuto lang ang nilakbay nila bago marating ang Beach Resort.
Pagdating nila sa bahay nila Patricia ay agad na sumalubong si Klark. Mabilis itong lumapit sa asawa at kinuha ang bag. Biglang nanaghili ang puso niya na sana may isang lalaking ita-trato siyang parang Prinsesa.
“Let’s eat. Nakahanda na ang mga pagkain.” Iginiya sila ni Klark sa dining room kung saan nakahanda na ang lahat ng pagkain. Habang daan kasi sila ay tumawag ang lalaki kay Patricia para tanungin ang huli kung pwede na nitong i-prepare ang pagkain.
“Gusto ko ho iyong ganitong design, Architect.” Inabot ni Zia ang ginawa niyang draft kagabi para sa Grilling Restaurant na ipapatayo niya sa Resort. She’s not into foods pero gusto niyang subukan kasi mukhang iyon ang papatok dito sa lugar.
“No problem, Ma’am. Pero okay lang po ba kung itataas natin ang ceiling para mas maitaas din po natin ang exhaust fan?”
“Sure, salamat sa suggestion. Teka, nag merienda na ba kayo?”
“Tapos na po, Ma’am.”
“Mabuti naman. Maiwan ko na muna kayo ha? May aasikasuhin pa kasi ako.”
Tumuloy na siya sa cottage niya at dumiretso sa sala. Binuksan niya ang laptop at tiningnan kung may reply na ang agency na kukuhanan niya ng mga staffs para sa Restaurant niya.
Halos lumundag siya sa tuwa nang makitang may reply na ang nasabing Agency.
Pagkatapos na basahin ang e-mail ay pumunta siya sa kusina at nag labas nang pwede niyang lutuin para sa hapunan. Namimiss na rin niyang magluto, kahit na aminado siyang hindi siya magaling pero alam niya naman kung alin ang pagkaing papasa sa panlasa niya.
Pagkatapos niyang ilabas ang karneng lulutuin ay nagpasya siyang lumabas ng cottage. Bitbit ang sketch pad at lapis ay excited siyang tinalunton ang dulong bahagi ng isla.
Na-miss niya ang pag dra-drawing. Isang maituturing na talent pero hindi niya sineryoso iyon. Maraming bagay ang kinailangan niyang i-prioritize simula nang mawala ang mga magulang. Hindi na baling kalimutan niya ‘yong pansarili niyang kaligayahan h’wag lang yong mga naiwan ng mga magulang.
Nakatingin siya sa papalubog na araw pero patuloy na gumagalaw ang kamay niya na may hawak na lapis.
I miss you both… sana pwede ko kayong ibalik. Sana may kapangyarihan akong mabigyan ulit kayo ng buhay.
“Marunong ka palang mag-drawing,” mabilis niyang pinunasan ang luha niya saka lumingon sa pinanggalingan ng boses.
“Architect,”
“Bristan Ocampo,” inilahad nito ang kanang kamay.
“Zia Guevarra-” kimi niyang tinanggap ang kamay nito.
Sabay pa silang napahalakhak.
“Bakit?” kapagkakuwan ay tanong niya sa lalaki na titig na titig parin sa kanya.
“Mas lalo ka palang maganda kapag tumatawa ka.”
“Ito naman, papalubog na ang araw pero nambobola pa.”
“Seryoso ako. May naaalala ako kapag ngumingiti ka nang ganyan,” humugot ito ng malalim na buntong-hininga.
“Girlfriend? Ex-Girlfriend?” Panghuhula niya.
“No, it’s my mom.”
“O, Long distance ba kayo ng mother mo?”
“Hindi naman. Abot-tanaw ko parin naman siya.” Saka ito tumingala sa langit at pinakawalan ang matabang na ngiti.
“Sorry to hear that.”
“E, ikaw ‘asan ba family mo?”
“Nasa langit na rin.”
“Sorry to hear that, too. Pareho pala tayong nangungulila.”
“Matagal-tagal na rin silang wala.”
Tumingin sa kanya si Bristan na puno ng simpatya ang mga mata nito. Pero dumiretso ang tingin nito sa hawak niyang sketch pad.
“Huhulaan ko, kayo ‘yan ng boyfriend mo, no?” Umiling siya.
“Hindi. Si Mommy at daddy ‘to. Mahilig kasi sila sa beach noong nabubuhay pa sila. Kahit hindi summer noon basta maluwag ang schedule nila ay palagi kaming nag a-outing. Ang malawak na karagatan ang nagpapaalala ng masasayang araw naming noon.”
“Hindi kaya magkamag-anak ang mga magulang natin?” Himig-biro ng lalaki. Sinusubukan marahil nito na gawing magaan lang ang conversation nila.
“Bakit naman?”
“Pareho kasi silang mahilig sa dagat. My Mom was a seawoman when she met my Dad na nagtra-trabaho sa Barko as assistant Chef.
“Mukhang malabo yata na magkamag-anak sila. My adoptive parents were both American.”
“Adopted ka?” Gulat na tanong nito na sinagot niya ng marahang tango.
“Malamig ang panahon, baka gusto mong magkape. Treat ko.” Hindi na siya nag dalawang-isip na paunlakan ang lalaki. Mabilis siyang tumayo.
Pagpasok nila sa coffee shop ay nagulat pa siya nang bigla siyang akbayan ng lalaki.
“Sorry mukhang nagulat ka kanina na inakbayan kita.”
“Ok lang ‘yon. Pero bakit nga ba bigla-bigla ka nalang nang akbay?”
“Nakita ko kasing mukhang papalapit sa atin si Vera.”
“Ex mo?” Tumango ang lalaki.
“Two years na ang nakalipas pero instant stalker parin ang drama niya.”
“Bakit hindi mo binigyan ng second chance?”
“Hindi niya deserve,”
Matagal na hindi nagsalita ang lalaki kaya siya na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila.
“Hmmm… ang sarap ng kape nila dito.” Hindi napigilang komento niya.
“Totoo yan. Isa ito sa mga binabalik-balikan ko dito.” Ngumiti ang lalaki na lalong nagpa-gwapo rito at hindi maipaliwanag ni Zia kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya simula nang magkasama sila ng lalaki. Ilang oras palang silang nag dadaldalan pero pakiwari niya ay matagal na niya itong kilala.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...