Chapter 4
Tinatapik tapik ko ang lapis na hawak ko sa ibabaw ng lamesa habang pinagmamasdan ang sinasagutan na math problem ni Anastacio. Para sa akin hindi naman mabigat at mahirap magturo ng bata basta dapat marunong ka lamang kumapa ng 'mood' nito.
Nang matapos kong magcheck ng mga assignments niya para sa lunes at masagutan na namin ito ay tinulungan ko na siyang mag ayos ng gamit.
Muli na naman akong napabuntong hininga, hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko na itong ginawa simula nang nag umpisa kaming magreview ni Anastacio ngayong araw.
Yayain ko na sanang lumabas ng kwarto si Anastacio nang mapairap na lang ako sa ginagawa niya, may itinatago na naman itong sapatos ni Cinderello. At hindi na niya ito itinatago sa ilalim ng kanyang kama, inilalagay niya na ito sa kulay asul na kahon na kung hindi ako nagkakamali ay lalagyanan ng kanyang mga laruan.
Napapailing na lang ako, mukhang hindi ko na talaga siya mapipigilan. Malaki na rin talaga ang galit ng batang ito kay Cinderello at mukhang hindi siya titigil hanggang hindi nauubos ang mga imported na sapatos ni Cinderello.
"Let's go Anastacio, tinatawag na tayo ng mommy mo" tawag ko sa kanya.
Sabado ngayon at tuwing araw na ito pilit akong pinasasabay ni Tita Tremaine kumain ng hapunan sa kanila, hindi ko na magawang makatanggi dahil may katwiran siyang wala naman akong pasok kinabukasan kaya wala akong dahilan para magmadaling umuwi.
Nang palabas na kami sa kwarto hindi ko maintindihan kung bakit napatitig na lang ako sa pintuan ng kwarto ni Cinderello, magdadalawang linggo ko na siyang hindi nakikita at syempre hindi ko rin naman maiwasang magtaka dahil noong unang linggo ko sa pagtuturo kay Anastacio ay lagi itong nandito.
Ilang beses ko pang naririnig sa kanya ang salitang 'Kuya Rashid' na may kakaibang tono habang may ngising hindi ko maipaliwanag sa tuwing nagkakasalubong kaming dalawa. Hindi siya maka 'move on' sa pagtawag ko ng 'kuya' sa kanya.
Nang makababa na kami ni Anastacio ay muli na naman akong napabuntong hininga nang makita kong nakaupo sa sofa si Drizello at Augusto. Hindi na sila nakatingin sa tv dahil kapwa na sila nakatingin sa akin.
Isa pa ito sa problema ko, natuto nang kumindat ang magkapatid na ito sa akin at nagsisimula na akong kilabutan dahil dito. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, ayoko lamang sa paraan ng pagtitig nila sa akin. They're both creepy.
"Hi Aurelia.." unang bumati sa akin si Drizello.
"Hi.." tipid na sagot ko.
"Hi Aurelia!" bati naman sa akin ni Augusto.
"Hi.." sagot ko rin sa kanya.
Nasabi sa akin na kasing edad ni Tita Tremaine na kasing edad ko lamang si Drizello habang mas matanda sa akin ng isang taon si Augusto.
Kung pagmamasdan may mga hitsura naman ang magkapatid na ito, 'yon nga lang hindi sila kaputian at may katabaan silang dalawa. Lagi ko na nga lang silang nakikitang nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Paano pa mawawala ang taba nila sa katawan?
Siguro ay nagmana ang magkakapatid na ito sa kanilang ama, dahil wala man lang may nakakuha kay Tita Tremaine, na maputi at sobrang ganda.
Kapwa sila natingin sa akin na mukhang hinihintay akong maupo sa sofa katabi nila pero nagpatay malisya na lamang ako at pinili ko na lamang tumayo at magtingin tingin ng mga litrato na siyang nakadisplay sa hindi kataasang cabinet sa bandang kanan ng sala.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...