Chapter 47

233K 9.6K 1.7K
                                    

Chapter 47


Ngayon ang araw ng death anniversary ni tatay. Bumili ako ng magagandang bulaklak at ilang kandila na siyang lagi kong dinadala kapag dadalaw ako sa mga magulang ko.

Ang bilis ng panahon, mag iisang taon na pala akong nag iisa sa mundong ito.

Ibinaba na ako ng tricycle driver sa sementeryo. Tulad nang inaasahan ko, iilan lang ang taong makikita ko dito dahil hindi naman araw ng mga patay. Bakit nga ba nagsisiksikan ang mga tao sa iisang araw kung pwede naman dumalaw sa kahit anong araw?

Ipinilig ko ang sarili ko at pinagpatuloy ko na lamang maglakad at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa lapida ni nanay at tatay.


Napatigil ako sa aking paghakbang nang makakita muli akong ng sariwa at magagandang bulaklak sa lapida ng mga magulang ko. Kagaya ng nakaraang kaarawan ni tatay, araw ng mga patay at maging noong pasko. Lagi na lamang may kung sinong nauuna sa akin. Pero sino? Wala akong nakikilalang kamag anak na maaaring mabigay sa mga magulang ko nito.

Inilagay ko na rin ang mga bulaklak na hawak ko at nagtirik na ako ng kandila. Ilang minuto lamang akong tumitig sa lapida bago ako nagsimulang nagsalita.


"Kamusta tatay? Masaya ba kayo nanay kung nasaan kayo ngayon? Masaya ako dahil magkasama na kayo. Alam kong miss na miss nyo na ang isa't isa. Pero hindi nyo ba ako tatanungin? Miss na miss ko na rin po kayo. Sobra." Akala ko matatabunan ng panahon ang pangungulila ko sa aking mga magulang pero sa tuwing dumadalaw ako dito, kumikirot pa din ang dibdib ko.


"Kung itatanong nyo naman po ang trabaho ko, ayos naman po nay, tay. Hindi ako nahuhuli sa pagdating at lalong wala akong nagiging problema sa pasyente, sa mga doktor o sa kapwa nurse na kasama ko. Mahal ko ang trabaho kong ito. Masarap sa pakiramdam na may nagagawa ka para madugtungan ang buhay ng isang tao. Hindi man direkta pero sa kaunting ginagawa ko, gumagaan ang loob ko. Masaya akong ito ang propesyon na kinuha ko." Ngumiti ako sa kanila.


"Alam nyo po ba unti unti ko nang napapagawa ang bahay natin? Hindi ba ito ang gusto mo tatay? Hindi na natulo ang bubong, nagpapakisame na rin po ako. Hindi na ako kinakabahan kahit sobrang lakas ng ulan tatay." Naupo na ako sa bermuda at marahan kong hinaplos ang magkatabing lapida ng mga magulang ko.


"Nakakakilala na rin ako ng mga bagong kaibigan." Tumigil muna ako ng ilang minuto at ngayon naman ay pinagmasdan ko ang bulaklak na galing mula sa hindi kilalang tao. Kinuha ko ito para pagmasdan at hawakan.


"Sino kaya ang nagbibigay nito sa inyo tatay? Nanay? May mga kamag anak ba tayo na hindi ko nakikilala? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit kahit minsan ay hindi kami mag abot?" nagtatakang tanong ko na parang may makakasagot sa akin.

Napakagaganda ng mga bulaklak na ibinibigay niya sa mga magulang ko, kahit ang mga naunang bulaklak na binibigay niya ay alam kong hindi din biro ang halaga. Ibinaba ko na ito at ibinalik ko sa dati.


"Kung itatanong mo naman po sa akin tatay kung may manliligaw ba ang anak nyo, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako hinihiwalayan ni Bello. Kahit ilang beses ko siyang sinabihan na wala pa sa plano ko na makipagrelasyon ulit, lagi pa rin siyang nakaalalay sa akin na walang hinihinging kapalit sa akin. Alam kong hindi ito tama pero hindi ko siya mapigil. Kung sana mas nauna kong napansin si Bello, kung sana sa kanya na lang ako nahulog." Mapait akong napangiti sa sinabi ko.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon