Chapter 56Ilang beses naglandas ang aking mga mata sa lalaking pinakamamahal ko. Simula sa itim niyang mga kasuotan, sa paraan ng pagtindig niya, sa kanyang mga mata at hanggang sa mga baril nakasabit sa kanyang katawan.
Napakalayo ng Rashid na nakilala ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang layo niya sa lalaking minamahal ko, na laging niaaway, laging pinapupungay ang mga mata at laging nagpapahaba ng nguso sa tuwing naglalambing.
I am now facing the other side of him, the dark side of my beloved Cinderello.
Nagsisimula nang makumpirma ang matagal nang umiikot sa aking isipan, sa kabila ng chinito niyang mga mata ay mata ng isang lalaking may kakayahang makakita ng isang partikular na tao kung kinakailangan, sa kabila nang malalambing niyang boses ay may nagtatagong boses na maaaring humawak sa buhay ng isang tao at sa kabila ng mga kamay na humaplos sa akin ay mga kamay na maaaring---
Napansin ko na lamang na humahakbang paatras ang aking mga paa. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata dahil sa ginawa kong ito.
"Rashid, what are you?" kinakabahang tanong ko sa kanya kahit nakukuha ko na ang aking sagot base sa kasuotan niya ngayon.
"We're opposite baby. If you're born to save lives, if you're an instrument to support human lives, baby I am born to kill, not just one but hundreds of lives." Nasapo ko na lamang ang aking bibig habang nagsisimula nang tumulo ang aking mga luha.
"Rashid, alam mong mali ang pagpatay ng tao. Maling mali ang ginagawa mo." Nangangatal na sabi ko.
"Wala na akong magagawa Aurelia, ito na ang kinalakihan ko. Dito na ako nagkaisip at lumaki sa trabahong ito." Napasinghap ako sa sinabi niya.
"What? What Rashid? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rashid? Lumaki ka nang pumapatay ng tao? How good is that Rashid?! Papaano mo naaatim pumatay ng tao? Hindi mo ba naiisip ang pamilya ng taong pinapatay mo? Hindi mo ba naiisip na posibleng mga anak silang mangungulila? God! Papaano ka napasok sa ganyang trabaho?!" napahagulhol na lang ako ng pag iyak. Bakit sa rami ng lalaking maaaring magkaroon ng ganitong klase ng trabaho ay ang lalaking pinakamamahal ko pa?
"I am not killing innocent people Aurelia, I am killing murderers, drug lords and different criminals. I am killing those people to prevent them from killing more innocent lives." Seryosong sagot niya sa akin.
"Rashid, kahit pagbalibaliktarin natin ang sinasabi mo. Pumapatay ka pa rin ng tao! Hindi ba at may batas tayong sinusunod?! My god!" nagpatuloy ako sa pag atras at nanlaki ang mga mata ko nang akma niya akong hahawakan.
"Don't touch me please, no Rashid. Aalis na ako, ayoko na dito. Mahal kita Rashid, mahal na mahal pero papaano tatagal ang relasyon natin dalawa? Kung habang halos magpakamatay ako sa trabaho para magdugtong ng buhay ng mga tao, ang lalaking mahal na mahal ko naman ay walang tigil sa pagkitil ng buhay ng tao? Rashid, we can't live having a different principle. Mahal na mahal kita at handa akong magpakasal sa'yo anumang oras pero anong pamilya ang maibibigay mo sa akin? Anong kinabukasan ang maibibigay mo sa magiging anak natin? Rashid, lumaki na akong ulila at alam kong alam mo rin ang pakiramdam nito dahil halos pareho tayo ng sitwasyon, pareho tayong maagang nawalan ng mga magulang, anong kasiguraduhan mong hindi hahabulin ng trabaho mo ang magiging pamilya natin? Rashid, tama nang ako at ikaw na lamang ang nakaranas maging ulila. Ayokong mararanasan ito ng magiging mga anak ko."
"Aurelia.." umiling ako sa kanya.
"Nangako ako sa'yo na tatanggapin kita sa anumang pwede kong malaman, pero sinong matinong babae ang yayakap sa lalaking anumang oras ay maaaring habang buhay nang bawiin sa kanya? Rashid, sawang sawa na akong maiwanan. I love you so much Rashid, but I can't continue loving you if you're chained with that job." Nakatitig lang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...