Chapter 34

281K 11.9K 2K
                                    

Chapter 34


Pinagbigyan ko na si Rashid sa gusto niya. I am now wearing his mother's ring. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ito habang nakahilig siya sa balikat ko, hindi na ako nakababa sa kama dahil lagi niya akong pinipigilan.


"Rashid, kahit may singsing na ako sa daliri ko hindi ko pa rin nakakalimutan ang dalawa at kalahating buwan na pagkawala mo. Sa sandaling gumaling ka, aawayin talaga kita" para siyang bingi sa mga sinasabi ko dahil abala siya sa paglalaro ng kamay ko na pinagsuotan niya ng singsing.


"Rashid, are you even listening to me?" nang bahagya ko siyang lingunin ay mabilis niyang ipinatong ang baba niya sa balikat ko at nakanguso na siya na parang inaabangan ang labi ko.

Kaunting kaunti na lang ang pagitan ng mga labi namin habang magkatitigan kami. Here we go again, Cinderello and his baby moves.


"Rashid.." kunot noo kong tinawag ang pangalan niya.


"I told you, pwede mo na akong awayin.." lalo niyang pinasingkit ang kanyang chinitong mata. My god, Rashid.


"Hindi po ako nang aaway ng pasyente. I am a nurse, remember?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Nanatili kami sa aming posisyon habang nag uusap at nakapulupot na ang kanang braso niya sa akin.


"Yes, the beautiful nurse who's engaged with me.." ngising sagot niya sa akin. Bahagya kong iginalaw ang balikat ko para umalis na siya dito.


"Move, baka biglang pumasok ang mga kaibigan mo at makita tayong ganito.." naupo siya ng maayos dahil sa sinabi ko.

Tulad nga nang sinabi ko, nang matapos maupo ng maayos ni Rashid ay biglang nabuksan ang pintuan. Niluwa nito ang apat niyang kaibigan, sina Enna at Hazelle maging ang dalawang pulis kahapon.

Nasa akma na akong bababa sa kama nang mabilis akong napigilan ni Rashid at inakbayan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya.


"Look at her hand Cap, look at my baby's hand.." itinaas ni Rashid ang kamay ko para ipakita sa mga ito na may singsing ako. Mabilis umawang ang mga bibig ni Enna at Hazelle dahil sa pagkagulat habang naiiling lang ang babaeng pulis. Kunot na kunot ang noo ng lalaking tinatawag nilang Cap.

Napatungo na lang ako sa kahihiyan, ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Bakit kailangan niya pa sabihin sa lahat? Pwede ba na kami na lang muna? Baka isipin nila na masyado akong easy to get. It was not like that.

Rashid's marriage proposal was so witty. Kahit ilang beses akong sumagot sa kanya ng no, siya pa rin ang nanalo.


"I am already engaged. We're getting married after her graduation. Ikaw Cap? Kailan ka ikakasal? Miss Lina, can I see your hand?" eksaherado pa si Rashid sa pag silip sa kamay ng babaeng pulis na parang pilit niyang sinisilip kung may singsing ito katulad ko. Kahit ako ay walang makita dito.

Kung pagmamasdan parang kaunting segundo na lang ay mapapatay na ng lalaking tinatawag nilang Cap si Rashid dahil sa pinagsasabi nito. Narinig ko pa ang eksaheradong pagsipol ni Rashid.


"Ang sarap talaga kapag sinagot ka ng 'Yes' 'I will marry you Rashid'" nagpaparinig na sabi niya na nagpangiwi sa akin. Hindi tunay ang huli niyang sinabi!

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon