Chapter 26
Nakatitig lang ako sa kanya habang ilang beses umuulit sa utak ko ang tanong niya sa akin.
What does he mean by that? Accept for who he is? Why? Bakit ganitong klaseng tanong ang naririnig ko sa kanya? Can't he just explain to me the everything? Bakit kailangan niya akong takutin nang ganito sa klase ng tanong niya?
"Rashid, what do you mean? Nalilito ako, what are you then? What are you? Why am I having this bad feeling? Inhumane? You're not a killer right? I am not talking to a killer Rashid right? Hindi ka naman pumapatay ng tao Rashid hindi ba?" paulit ulit na tanong ko sa kanya. Pilit kong inagaw sa kanya ang aking kamay at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.
Damn, that's why I hate my tears. Masyado silang papansin sa lahat ng oras.
"What if I am?" seryosong tanong niya sa akin. Napasapo na lang ako sa aking bibig at ilang beses akong napaatras mula sa kanya.
"No, you are not Rashid. You are not.." nangangatal na sabi ko sa kanya habang ilang beses akong umiiling. He can't be like that. How come a prince looking like him with so much sweetness can kill someone?
"Baby.." nang nagtangka siyang lumapit sa akin ay ilang beses akong muling humakbang paatras.
"Rashid, why? It is because of revenge? Sa tingin mo ba ay maibabalik ng paghihiganti mo ang buhay ng mommy mo? Do you think she'll be happy for that revenge of yours Rashid? Rashid, umaagaw ka ng buhay ng tao.." napahawak na lang ako sa noo ko nang bahagya akong makaramdam ng pagkahilo.
Nagmadali akong lumapit sa may upuan para makahawak dito, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse. Nang maramdaman ko na hahakbang papalapit sa akin si Rashid ay agad akong nagsalita.
"Please, don't come near me Rashid. Please.." iniwas ko ang mga mata ko sa kanya nang makita ko na may kung anong gumuhit sa kanyang mga mata.
Pinili ni Rashid na bigyan ako ng distansya. Tumigil na lamang siya sa kanyang posisyon at dahan dahan siyang tumalikod sa akin para humarap sa puntod ng kanyang mga magulang.
"Can I continue Aurelia? I want to tell you the reason why, I want you to hear me, just tell me if you want me to stop.." hindi na lamang ako sumagot sa kanya.
I want him to stop, natatakot na ako sa mga nalalaman ko. Pero gusto kong malaman ang buong detalye kung bakit siya napasok dito. What is he then?
"Aurelia, I am hiring men for my own revenge. Nagkaisip ako na dala ang galit sa mga taong nasa likod ng pagpatay sa mommy ko. Pina imbestigahan ko ang lahat ng pangyayari hanggang sa makahanap ako ng butas at tuluyan ko nang matunton ang mga taong umagaw sa kumpleto kong pamilya..." nanatili akong nakikinig sa kanya.
"I discovered that it was not just one but there three shits planned for my mother's death. A politician and two druglords.." kagat labi lamang ako habang ilang beses nagpupunas ng aking mga luha.
"How many? How many lives Rashid? Ilang buhay na ang naipapapatay mo?" halos pumiyok na ang boses ko. Yes, masasabi ko na malaki ang kasalanan ng mga taong ito kay Rashid pero kahit balibaliktarin ang mundo ang pagpatay ay pagpatay wala ng kahit anong kahulugan ito. It is still a sin.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...