Chapter 28
Isang linggo na ang nakakaraan simula nang maging boyfriend ko ang lalaking laging niaaway. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko. Hindi ako sobrang maaapektuhan ng ganito kung wala akong nararamdaman sa kanya.
I love Rashid Amadeus Villegas.
Hindi ko hahayaang mapariwa pa ang landas niya, kung ang pagdating ko sa buhay niya ang magpapatigil sa hindi makataong paghihiganti niya sa mga taong kinamumuhian niya. Hinding hindi ko na siya iiwan.
Mahal ko siya at hindi ako papayag na may mangayaring hindi maganda sa kanya dahil walang kahit sinong nagpapayo sa kanya ng mga tama at dapat gawin sa buhay.
Minsan naiisip ko, masyado ba kaming mabilis? Masyado ba akong nagmadali? Bakit hindi ako kagaya ng ibang babae na ilang buwan o halos taon ang binilang bago sagutin ang lalaki? Sukatan ba ang haba ng panahon para malaman kung seryoso ang isang lalaki?
Napailing na lang ako, para sa akin wala sa panahon ang sukatan ng lahat ng bagay. Kung alam mong mahal mo na ang isang tao, bakit mo pa kailangang patagalin ang mga bagay bagay?
Bakit mo pa pahihirapan ang isang tao na maramdaman ang pagmamahal na siyang kailangan niya para maging mas mabuting tao?
My love for him is like a medicine. It may not cure the scar on his heart from the painful past, but it can be an effective maintenance to warm and nurture his heart.
Kasalukuyan kaming nagdadate ni Rashid, dahil linggo ngayon wala akong tinda ng halo halo. Wala rin piyestahan na siyang tutugtugan ng aming banda at hanggang ngayon ay nasa bakasyon pa rin sa ibang bansa si Tita Tremaine at ang mga anak niya.
Buong araw kaming magkasama ni Rashid. Hindi tulad ng mga date na nasa mall, sa mga theme park at sa mga mamahaling restaurant. Pinili ni Rashid na magbiyahe kami sa isang probinsya.
Sinabi niya na Leviathan daw ang tawag sa lugar na ito. Nasa ilalim kami ng puno na nasa tuktok ng isang burol, tanging mga bermuda lamang ang nakikita ng mga mata ko, mga halaman sa kalayuan at ilang nagtatakbuhang mamahaling mga kabayo. Napakaaliwalas ng lugar na ito, masarap ang hangin at napakatahimik.
Natutulog si Rashid sa aking kandungan habang tahimik akong nakasandal sa ilalim ng puno. Nakalatag din ang kulay puting tela na siyang pinaglalagyan ng mga pagkain namin. It's a picnic date.
Marahan kong hinahaplos ang kanyang magulong buhok habang pinagmamasdan ko siya. He's a pretty boy, lalo na kapag natutulog. Hindi siya kagaya ng mga lalaking mukhang bad boy, possessive na parang mabilis mag init ang ulo, harsh at laging naghahanap ng away.
Rashid Amadeus Villegas is like a prince from a fairytale book. Kulang na lang sa kanya ang damit na pang prinsipe at korona para masabing isang prinsipe. Akala ko noon tanging sa mga babae lamang ang salitang 'pretty' pero nagbago ang pinaniniwalaan ko.
Si Rashid ang tipo ng lalaking hindi nakakasawa ang kagwapuhan, hindi nakakasawang titigan at lalong hindi mayabang tingnan. He's cute. At mas lalong mahuhulog ang mga babae sa kanya kapag nagsimula na itong magsalita. Isang niaaway lang niya na may kasamang panguso at singkit na mata, tulala na ang babae sa kanya. Masyado siyang pa baby.
Hinayaan ko ang mga daliri kong haplusin ang pilat niya malapit sa kanyang mga labi. Alam kong kay Rashid lang babagay ang pilat na ito lalo na kung ngumingisi siya.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...