Chapter 29

286K 11.6K 1.5K
                                    

Chapter 29


Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Natatandaan kaya ni Rashid na wala na akong mga magulang? Alam niya kaya na mag isa na lamang ako sa buhay?


"Are you sure? Do you really want to meet them? They are strict, ayaw ni tatay at nanay sa mga lalaking mukhang babaero. Makita ka lang nilang ngumisi, palalabasin ka na sa bahay.." pagbibirong sabi ko.


"I am being serious Aurelia. Do I look like a playboy? Bakit lagi mo na lang akong niaaway.." ngusong sabi niya sa akin. Muli siyang nahiga at ginawa na naman niyang unan ang kandungan ko.

Nagbibiro lang naman ako, niaaway ko na naman agad siya. Nakakaawang Cinderello.


"That was my first impression Rashid, medyo nagbago na ngayon. Niaaway na agad kita ng ganoon?" umirap ako sa kanya.


"I am loyal to you Aurelia. Ikaw lang ang kaisa isahang babaeng hinayaan kong makahalik sa akin. You devirginized me baby.." nangunot ang noo sa kasinungalingang pinagsasabi niya. Gusto ko tuloy ibuhos sa kanya ang Zesto na hawak ko.


"You're a damn liar. Sinong maniniwala sa'yo? I'm sure you've kissed a lot of girls out there.." hindi na ako magtataka na isang araw ay may babaeng humila ng buhok ko.

Rashid is totally handsome. Alam kong maraming babae ang nahuhumaling sa kanya, malay ko ba kung may gusto rin sa kanya ang dalawa niyang katrabaho. Hazelle and Enna even had their own endearment for him. Is it normal for workmates? Or friends? What's with Rashido babe?

How about that gorgeous woman in the supermarket? Talaga ba na ginawa lang nila akong takutin para malayo kay Rashid dahil sa paghihiganti nito? o para malayo dito dahil sa pansarili nilang intensyon?

Oh damn, ito na ba ang sinasabi nilang pagseselos? Yes, hindi pa ako kilala ni Rashid bago niya makilala ang mga babaeng ito pero ang isipin na mas marami silang nalalaman tungkol sa kanya, mas mahaba ang panahon nilang magkakasama at pinagsasabihan niya ang mga ito ng kanyang sekreto, hindi ko maiwasang makaradamam ng kakaiba sa aking dibdib.

I am jealous.


"Here, ayoko na. Nawalan ako nang ganang uminom.." inabot ko sa kanya ang Zesto na marami pang laman.


"You're so funny Aurelia. I'll drink that later.. " dahil abot kamay ko naman ang basket ay inilagay ko na ito dito ang Zesto niya. Muli kong sinalubong ang chinitong mata ni Cinderello.


"Sinungaling" nakatitig lang siya sa akin nang sabihin ko ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang may lumabas na pagkainis sa akin.

Nang sandaling isipin ko na marami nang babaeng dumaan sa kanya, hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko. Paano niya kaya tinatawag ang mga ito? Baby din ba ang tawag niya sa mga dating niyang girlfriends? Ganito rin ba siya sa kanila? Damn it.

I should stop thinking about this, it's not healthy for us.


"Aurelia.." naglandas ang ilang daliri niya sa baba ko sa paraan na makikiliti ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang tabigin ko ang kamay niya. Why am I acting like this? Being jealous on his past is childish Aurelia!

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon