Chapter 58

250K 10.6K 1.3K
                                    

Chapter 58


Pakinig ko ang papalayo niyang mga yabag mula sa akin. Gusto kong lumingon sa kanya, gusto ko siyang makita bago siya pumunta sa kanyang delikadong trabaho. Sa trabahong laging nakasangla ang kanyang buhay.

Sinubukan kong lumingon sa kanya pero niyakap niya ako at ipinatong niya ang baba niya sa balikat.

"Don't look baby, don't look. Ayoko nang nakikita mo akong umaalis. Ayoko nang maalala mo ang ginagawa ko sa'yo noon."

"Rashid, pwedeng huwag ka na lang umalis? Dito ka na lang, hindi na maganda ang kutob ko sa paraan ng pamamaalam mo. Ayoko dito ka na lang, sabihin mo sa kanilang hindi mo kaya. Dito ka na lang sa akin Rashid." Paulit ulit na sabi ko.

Naramdaman ko na lamang ang paghalik niya sa aking pisngi.

"Baby, nakapangako ako sa kanila. Huling beses ko nang gagawin ang trabahong ito, hanggang dito na lang ako sa huling misyong ito. Babalik ako Aurelia, pangako."

"Is it a dangerous mission Rashid?" tanong ko na umaasang maganda ang kanyang isasagot sa akin.

"My mission is always dangerous Aurelia, it will never be safe. But I promise, I will come back. So please, don't look baby. Okay?" Marahan na lamang akong tumango sa sinabi niya.

"I love you Aurelia Hope.."

Kagat labi akong nanatiling nakatalikod sa kanya habang nagsisimula nang humina ang mga naririnig kong yabag sa kanya. Lumayo na naman siya sa akin.

"Please be safe Rashid.."

"I will, I will baby.."

Ito na lamang ang huling salitang narinig ko mula sa kanya hanggang sa marinig ko na ang ingay ng tumatakbong sasakyan dala ang lalaking pinakamamahal ko.

Lumuluha akong humarap sa tahimik at madilim na kalsada, gusto ko siyang pigilan at yakapin nang mahigpit para huwag na siyang umalis pero alam kong napakaimportante sa kanya ang trabahong ito. Isang importanteng bagay na parte na ng kanyang pagkatao na handa niyang iwanan para lamang sa pagmamahal niya sa akin.

Wala sa sarili akong umuwi ng bahay dahil sa mga nalaman ko, hindi lamang ang buong pagkatao ng lalaking mahal ko ang nalaman ko ngayong gabi kundi, maging ang ilang taong katanungan ko tungkol sa aking sapatos.

Siguro ay nakakatawang isipin na dahil lamang sa isang sapatos ay ganito na ang nararamdaman ko, magagawa ko bang sisihin ang sarili ko? Saksi ako kung papaano nagpakahirap nang ilang beses ang aking ama para maibigay lamang ang regalong pinapangarap niyang maibigay sa akin, at sa kaalaman pang ito ang huling pinaghirapan niya bago nila ako iwan at lisanin ang mundong ito.

It was my father's last happiness. At hindi ko akalain na napakaraming buhay ang nakasalaylay sa isang simpleng sapatos lamang.

Noong una ay halos isumpa ko si Rashid nang malaman kong siya ang kumuha pero matapos kong malaman ang kanyang dahilan, halo halo nang emosyon ang nararamdaman ko.

Nahiga na ako sa kama at natulala na lamang ako sa kisame, papaano pa ako makakatulog ngayong gabi sa kaalamang ang lalaking pinakamamahal ko ay nakasalang sa pagitan ng buhay at kamatayan?

Inaamin ko sa sarili ko na hindi ko pa rin gusto ang trabaho niya, pero nahigitan ng pagmamahal ko sa kanya ang pagkamuhi ko sa trabahong meron siya. I love Rashid so much and I am willing to accept everything about him.

Isa pa nangako na siyang iiwanan na niya ang kanyang trabaho, magiging nakaraan na lamang ang parte ng pagkatao niyang ito.

Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay ilang beses akong nanalangin na sana ay makauwing ligtas ang lalaking mahal na mahal ko mula sa pinakahuli niyang misyon.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon