Chapter 57
Nakatitig lamang ako kay Rashid habang pilit kong tinatanggal ang posas niya sa akin. Ano na naman ang sinasabi niyang ito sa akin?
He did-- what? Stole something from me?
Naupo na rin siya sa lamesa, kinuha niya ang baril na nasa kanang bewang niya at pinili niya itong hawakan at ilang beses ihagis at saluhin nang paulit ulit.
"Matagal na ako sa trabaho kong ito, tulad nga ng sinabi ko sa'yo dito na ako lumaki at mas nagkaisip." Panimula niya. Alam kong kahit anong gawin ko sa posas na ito ay hindi ako makakatakas na sa kanya. Kaya kahit ayaw ko siyang pakinggan, pinili ko na lamang manahimik at makinig sa paliwanag niya.
"Sous L'eau is an organization of skilled agents, nandito na ang pinakamamatalino, pinakamagagaling at pinakabihasang tao sa larangang kinabibilangan ko . We are not just discovered by chance Aurelia, this organization has a keen eye in identifying who's the most qualified of all. They are not looking for aged and skilled persons, but those kids who have a highly intellectual mind. Ang Sous L'eau mismo ang nagpapalaki sa kanilang mga tauhan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Papaano? Hindi ba at nito lang namatay ang kanyang ama? Papaano siya nahawakan ng organisasyong ito?
"How is that possible Rashid? You still have your father back then."
"I was a rebel Aurelia, pinababayaan na ako ni daddy noon. Hindi na niya nalaman na may malaking tao na palang nakalapit sa akin at inalok ako ng bagay na maaaring magamit ko para mapaghigantihan ang pagkamatay ni mommy. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit ako sumali dito." Nanatili akong nakatitig sa kanya.
"My mom was murdered Aurelia, nasabi ko na sa'yo ito noon."
"Kung ganon---" hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko sa kanya.
"Yes baby, I didn't hire people to hunt those fvcks who killed my mother. I did kill them with my own hands."
"Rashid.."
"And I don't regret what I did baby, they deserved that. My mom was just doing her job to serve people, by reporting the truth, by giving people them the rightful information. Anong karapatan ng mga sindikatong itong patayin ang isang taong marangal na nagtatrabaho? Hindi ko sila inubos para lamang sa sarili kong kagustuhan at paghihiganti, ginawa ko ito dahil alam kong ito ang tama. Ilang taon na silang naghahari harian sa mundong nagbubulag bulagan, napakarami nang tao ang patuloy nilang nabibiktima, sa tingin mo ba ay mahihintay pa nito ang batas? Ang gobyerno na inaakala mong tama? Aurelia, hindi lahat ng may hawak ng batas ay tama. Karamihan sa kanila ay mga bahag ang buntot at pinipili na lamang manahimik at huwag sumali sa mga gulo para lamang mapahalagahan ang sarili nilang posisyon at kapangyarihan." Hindi ko akalain na maririnig koi to mula sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko naisip na dadating sa puntong magkakaroon kami ng ganitong klaseng usapan. Wala akong salitang masabi sa kanya.
"Wala na akong pakialam kung ilang beses nang naligo sa dugo ang mga kamay na ito, kung ilang beses na itong umagaw ng buhay ng tao. Dahil hindi makakayang dalhin ng konsensiya ko at nang buong pagkatao ko na magbulag bulagan katulad ng gobyernong inaakala mong tama. I am trained to kill baby. At hindi ko pinagsisihan na pumasok ako sa mundong ito. Ang bawat pagpatay ko ay may matinding dahilan Aurelia, isang buhay na inagaw ko kapalit nito ay kalayaan nang hindi lamang sampung inosenteng buhay."
"Tell me what happened two years ago, may kinalaman ba ang trabaho sa biglang pagkawala mo? Ito na ba ang matindi mong dahilan kung bakit lagi ka na lamang biglang nawawala?" tanong ko sa kanya kahit isinasampal na sa akin ang kasagutan. Tumango siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...