Chapter 46
Nakaharap ako sa salamin habang inaayusan ako ng kaibigan kong si Ana ang aking buhok, may kaunting make up na rin ako na sinabi kong huwag masyadong kapalan. Hindi ko rin pinalagyan ng kahit ano ang aking mata dahil alam kong kahit anong gawin kong pagpipigil pilit pa rin bubuhos ang aking mga luha anumang oras.
"Are you sure Aurelia? Kahit si mama na lang ang magsabit sa'yo."
"Don't worry Ana, nangako sa akin si Rashid na dadating siya. Siguro ay makikita ko na lang siya sa school na hinihintay ako." Pilit akong ngumiti sa harap ng salamin. Nagkibit balikat na lang ang kaibigan ko sa sinabi ko.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sana biglang dumating si Rashid at ipaliwanag niya sa akin ang lahat. Kahit mukhang nakapa imposible nang mangyari dahil parang nakalimutan na niya ako at ang mga sinabi niya sa akin.
Napakarami niyang ipinangako ngayong araw na ito at natatakot akong basta na lamang itong maglaho nang parang bula. Natatakot ako na tuluyan nang isampal sa akin ang katotohanan.
Pinagmasdan ko ang singsing na nasa aking daliri, nagawa ko itong itapon pero ito at pinahirapan ko lamang ang sarili ko para hanapin ito. I can't really let him go. I love him so much and I am damn willing to accept him again and again and again.
Simula nang mamatay ang tatay ko si Rashid ang kauna unahang taong muling nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga, pagmamahal at walang katapusang kaligayahan. Masyado pang mahina ang puso ko nang una ko siyang makilala at siya mismo ang naging pondasyon nito habang unti unti akong bumabangon mula sa pagkawala ng aking ama.
At ngayong nararamdaman ko na unti unti nang lumalayo ang taong siyang naging pondasyon ng aking puso, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko nang maramdaman pa ang sakit ng isang taong naiwan, hindi na kakayanin pa ng aking puso.
Hindi ko na kayang muling maiwan, ang sakit na nang una niya akong iwanan, bakit kailangan mong ulitin Rashid? Bakit kailangang bumalik ka pa sa akin kung iiwan mo rin naman ako? Nasasaktan din ako Rashid, nasasaktan din ako sa paulit ulit mong ginagawa sa akin.
Siguro nga ay tanga ako at dakilang martyr dahil sa sandaling magpakita at magpaliwanag siya na kahit alam kong purong kasinungalingan lamang ay handa pa rin akong tanggapin siya.
Ayokong lumayo sa akin si Rashid, handa akong tumanggap ng kahit anong paliwanag mula sa kanya, katulad ng dati. Hindi ba at nasasanay na ako sa kanya? Hindi man siya tumigil sa patuloy na paglilihim at pagsisinungaling sa akin, wala na akong magawa dahil masyado na akong nilamon ng pagmamahal ko sa kanya, na sa kaunting paliwanag niya ay agad ko siyang napapatawad.
Gusto kong murahin at saktan ang sarili ko kung bakit hinayaan kong malunod ako nang ganito katindi pagdating sa kanya. Masyado na akong nagpapakatanga sa kanya, masyado na akong nagpapakabulag kahit nakahain na sa akin ang lahat. Pero hanggang sa mga oras na ito patuloy pa rin akong umaasa na dadating ka Rashid.
"Okay na Aurelia." Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Masaya sana kung si tatay ang kasama ko sa araw na ito. Lumapit na ako sa litrato ng aking mga magulang at hinalikan ko ito.
"Nay, Tay gagraduate na po ako. Sa inyo ko po isasabit ang medalyang matatanggap ko." Bahagya kong hinaplos ang litrato nila bago ako bumaling sa kaibigan ko.
"Saan ka sasakay Aurelia? Gusto mo ipahatid muna kita kay Papa?" Umiling ako sa kaibigan ko. Kinuha ko na ang aking toga.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...