Chapter 35
Sa halip na panuorin ko pa ang pagiging balisa ni Rashid ay sinimulan ko nang humakbang papalapit sa kanya.
Kailan ko ba siya huling nakita na ganito? That was during his first confession on me, inside the car when he found out that I am receiving flowers from Bello.
Kusang lumabas ang mga ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lalaking laging niaaway at niaapi. He looked so princely with his black suite.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Rashid?" sinipat ko ang noo niya. Nagbabaka sakali akong baka nilalagnat siya. Pansin ko na bumaba ang paningin niya sa tiyan ko.
"Shit! Hindi nga pinakita ang batok mo, nilabas naman ang tiyan mo. Ano naman ang gagawin mo sa akin Aurelia? Uhaw ako buong gabi niyan baby.." kinuha na niya ang kamay ko at ikinawit niya na mismo ito sa kanyang braso.
"Uminom ka ng tubig Rashid.." bahagya akong humilig sa kanya.
"I should buy yakult then.." napangisi na lang ako sa sinabi niya.
"Kailan ba naging pampakalma ang yakult Rashid? Ikaw lang ang lalaking nakilala kong sobrang hilig sa yakult.." natatawang sabi ko sa kanya.
"I don't know. Lumaki na akong laging naghahanap ng yakult, hindi na nawala. Wait, baby wala na bang ibaba 'yan? Ang puti ng tiyan mo Aurelia maraming tititig dyan.." hindi ko na mapigilan hindi mapatawa ng malakas sa mga sinasabi nitong si Rashid.
Pulang pula na siya na pasulyap sulyap sa tiyan ko. Bakit parang kung makakilos siya ay parang ngayon lang siya nakakita ng tiyan ng babae? If I know, napakarami na niyang nakitang babaeng naka two piece.
"Ganito ang design nito Rashid.." sagot ko sa kanya.
"I should talk to Tremaine, huwag na kaya tayong sumama? Makikita nila ang tiyan mo baby. Mapapaaway ako.." napaparanoid na si Rashid.
"Ang arte mo naman po. Okay lang, as long as I am with you. Besides, nakapayag na tayo kay Tita Tremaine. Today is your brother's birthday. Dapat ay umattend ka man lang.."
"Step brother.."
"Rashid.." seryosong tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naririnig na tumawag ng 'mama' si Rashid kay Tita Tremaine pero masasabi ko na hindi na siya katulad ng dati na halos isumpa ko na sa sama ng ugali.
He's improving little by little. Sigurado akong hindi rin magtatagal ay matatanggap na rin niya na sina Tita Tremaine, Anastacio, Drizello at Augusto bilang pamilya niya.
Nasa hagdanan na kami nang maalala ko ang sinabi niya kanina sa kwarto. I am quite bothered about it, matagal ko na rin itong iniisip at kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Rashid.
"About what have you said a while ago, you need to wait Rashid.." natigilan siya sa sinabi ko. Humiwalay siya sa akin at humakbang siya ng isang baitang pababa para lamang magpantay ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Novela JuvenilIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...