Chapter 18

357K 15.6K 2.3K
                                    

Chapter 18

Natulala na lang ako habang hawak ko ang sulok ng aking mga labi. Papaanong paulit ulit na lang niya akong naiisahan? Bakit hindi ko agad napipigilan ang mga gagawin niya?

He is always this quick! Bigla na lang siyang yayapos, hahalik at mag baby talk nang walang pasabi. Ano na lang mangyayari sa puso ko kung magtutuloy tuloy ito? Baka magkasakit na ako sa puso dahil sa ginawa nitong si Cinderello. Simula nang makilala ko siya ay hindi na naging kalmado ang pagtibok ng puso ko.

Pakiramdam ko ay namula pa ang pisngi ko nang nagawa pa niyang kumindat sa akin na may kasamang ngisi bago siya tumakbo papunta sa mga kagrupo niya. Nakita ko pa na ilang beses siyang siniko ng mga na parang nagkakabiruan sila. May friends na agad si Cinderello?

Pumito na ang matandang referree na lalong kumintab ang ulo dahil sa init ng araw. Hindi na ako nagulat nang makitang si Bello at Cinderello ang mag aagawan sa jump ball. Sila lang naman kasi ang pinakamatatangkad sa magkabilang grupo.

Nang ihagis na ng referee ang bola ay agad nakatalon si Cinderello at nakuha ito. Mabilis niya itong ipinasa sa mga kakampi niya at nagtakbuhan na sila sa ring ng kalaban.

Agad umalingawngaw ang malakas na sigawan ng mga tao, syempre sa pagkakaalam ko ay may kani kanila silang pusta. Talagang masyadong 'energetic' ang mga tao kapag pera na ang pinag uusapan.

Muling ipinasa pabalik ang bola kay Cinderello, hindi naman agad ito makalusot dahil masyadong mahigpit bumantay si Bello.

Hindi ako mahilig sa basketball pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Wala naman akong ipinusta. Damn.

"Kaninong grupo ka?" napairap na lang ako nang bumalik na ang kaibigan ko. Inabot ko sa kanya ang payong para siya ang maghawak.

"Syempre mas gusto kong manalo ang grupo ni Bello.." alam ko ang mangyayari kapag nanalo ang grupo ni Cinderello. Tatawagin ko siyang 'baby' na siyang ayaw kong gawin.

"Sure? Ayaw mong manalo ang mestizong chinito?" lilingunin ko na sana si Ana nang muling maagaw ang atensyon ko dahil sa lalong paglakas ng sigawan.

Nang saktong tingnan ko ang 'court' agad kong nakita ang pagshoot ng bola. At halos mamangha ang lahat sa layo ng distansya ni Cinderello mula sa ring.

"How is that possible Ana?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Baka naman player na talaga siya ng basketball.." tamad na sagot ng kaibigan ko.

Nagpatuloy sila sa paglalaro at kapag sumusulyap sa akin si Cinderello sa tuwing nakakashoot siya ay wala akong ginagawa kundi irapan siya. Bakit ba siya tingin ng tingin sa akin?

Lumipas pa ang oras ay naging lamang ang grupo nila Bello, hindi ko maiwasang hindi mapangisi lalo na nang kunot na ang noo ng pawisang si Cinderello.

Humingi ng time out ang grupo nila kaya nagpuntahan sila sa isang bench kung saan nandoon ang tubig, towel at mga girlfriend ng mga player. Si Cinderello lang yata ang walang babaeng nag aasikaso kahit karamihan sa mga babae dito ay habol ang tingin sa kanya.

Habang sa kabilang grupo naman ay napakaraming babaeng nag aagawang punasan si Bello, kung titingnan naman kasi mas madaling lapitan itong si Bello kaysa kay Cinderello na mukhang mainit na naman ang ulo. Oh well, bakit ko ba naman kakalimutan? He's the evil Cinderello.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang hindi panuorin si Cinderello. Lalo na habang napapasulyap na siya sa mga kagrupo niya na may babaeng nagpupunas, agad kong inilihis ang paningin ko nang lumingon siya sa akin. Bakit na naman siya tumingin dito?

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon