Chapter 32
Habang naglalakad na kami ni Belo papasok sa loob ng lugar namin, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa biglaang nangyari. Who are those police people?
Bakit kilala nila ako? Papaano nila ako nakilala? I heard that word 'Cap' before, not just from Enna and Hazelle but also from Rashid. And that policeman's face is so familiar.
Posible kaya na kilala nila si Rashid?
Napahawak na lang ako sa aking noo habang pilit inaalala kung saan ko maaaring nakasalubong ang lalaking ito. Bakit napakalakas ng kutob ko na hindi sila mga totoong pulis?
What's with this note then? Nagpanggap lang ba silang mga pulis para maibigay ang maliit na papel na ito? Pero bakit? Malaki na ang takot ko na makatanggap ng mga ganito.
I can still remember EFGM! Kahit alam ko na galing ito sa mga kaibigan ni Rashid, parang natrauma pa rin ako sa mga ganito.Bakit parang uso sa mga tao ngayon ang magbigay ng maliit na papel? Can't they just message me on phone or through facebook? Oh damn, this kind of note is kinda creepy.
"Aurelia.." nawala ako sa aking malalim na pag iisip nang tawagin ni Belo ang pangalan ko. Nasa harap na pala kami ng bahay ko.
"Magpahinga ka na.." bahagya pa niyang hinawakan ang braso ko.
"Salamat Belo.." tipid na sabi ko dito habang simpleng dumidistansya sa kanya. Ayokong isipin niya na inaabuso ko na ang kabaitan niya, parang hindi rin naman yata tama na dahil wala si Rashid ay pwede na agad akong makipagmabutihan sa kanya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Na papalit palit ako ng boyfriend? Damn.
"Anything for you Aurelia.." ngumisi siya sa akin bago siya nagsimulang humakbang paatras habang nakatingin pa rin sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya at nang tangka kong isasarado na ang pintuan ay muli na naman siyang nagsalita.
"See you tomorrow Aurelia.." ngumiti na lang ako sa kanya. Kung maaari lamang ay gusto ko munang dumistansya sa mga lalaki. Ayoko na, natatakot na akong maiwan.
Pagkasarado ko nang pintuan ay agad kong pinakatitigan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng babae. Ilang beses akong huminga nang malalim habang ramdam ko ang pangangatal ng aking kamay. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong basahin o itapon na lamang.
Ano na lang ang gagawin ko kung pananakot ang laman nito? Malamang ay hindi na ako makakatulog ng mahimbing. Kaya napagpasyahan ko na kinabukasan ko na lamang ito buksan.
Bago ako matulog ay sanay akong tinitingnan ang aking telepono kung may message ba si Rashid pero tulad ng aking inaasahan ay wala pa rin akong natatanggap dito. Sa halip ay muli na naman akong napahikbi nang mapagmasdan ko ang wallpaper ng telepono ko na si Rashid pa mismo ang nagpalit.
It was our picture. I was about to kiss the tip of his nose with his eyes closed and his pouting lips. Tanda ko pa kung kailan ito nakuhanan 'niaaway' ko na naman siya ng mga oras na ito. Damn it Rashid!
I miss you baby.
Tulad ng mga lumipas na gabi, nakatulog na lang akong may luha sa mga mata.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...