Chapter 49
Simula nang naging kami ni Bello, umalis na siya sa apartment dahil alam niyang hindi magiging maganda ang tingin ng mga tao sa akin kung mananatili kaming magkapitbahay lalo na at wala akong magulang.
Kaya tuwing sabado na lamang siya dumadalaw sa akin. Sabay naming dinidiligan ang mga tanim naming rosas sa tagiliran ng bahay, araw araw ko naman itong dinidiligan pero sabado ang araw namin ni Bello, gusto niyang sabay kaming magdidilig ng halaman.
Maaga pa lang ay pumupunta na sa bahay si Bello dahil maganda daw diligan ang halaman sa umaga, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kahit sa tanghali na lang pumunta para hindi na niya kailangan gumising nang maaga pero masyadong siyang mapilit.
Nagpainit na ako ng pandesal at inihanda ko na rin ang titimplahin kong kape. Pagkatapos ko dito ay hinihintay ko na lang si Bello habang nakaupo akong nakapangalumbaba sa may pintuan.
Pero hindi din nagtagal ang paghihintay ko dahil nakikita ko na ang boyfriend ko na nakangisi na rin sa akin. Tumayo na ako at namaywang ako sa kanya.
He's just wearing a simple white shirt and shorts but damn, he's too handsome.
"Good morning beautiful Aurelia." May itinaas siyang supot ng tinapay.
"I told you not to buy. Bumili na ako ng pandesal." Umirap ako sa kanya bago kami pumasok ng bahay. Nagdireto kami sa kusina para sabay kaming mag almusal.
"Bonete itong dala ko, palit tayo." Natatawang sabi niya.
"Alright, uubusin mo ang binili kong pandesal. Huwa—" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Huwag puro gym ang inaatupag mo Bello, kumain ka rin." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
"Just kidding Aurelia." Mabilis niya akong kinabig at hinawi niya ang ilang hiblang tumabing sa mukha ko bago niya hinalikan ang aking noo.
"Hindi ba at tinatanong mo sa akin kung bakit gusto kong laging pumunta dito ng umaga? It's not because of the flowers Aurelia, I just want to see you every morning." Napapikit ako nang mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi.
"Naglalambing na naman po si Bello." Natatawang sabi ko. Hinawakan ko na ang mga balikat niya at pinaupo ko na siya.
"Sit there, ipagtitimpla kita ng kape."
Nakatitig lang siya sa akin habang pinagtitimpla ko siya, tinikman ko muna ito kung may lasa bago ko ibinigay sa kanya. Pinagmasdan ko siya nang humigob na siya ng kape.
"How was it? Kulang sa asukal?" tanong ko sa kanya.
"No, it's okay." Tumango ako sa kanya.
Nagsimula na kaming kumain dalawa pero pansin ko na pasulyap sulyap sa akin si Bello na parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Bello?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Hindi ka ba kinakausap ni Villegas, Aurelia?" natigilan ako sa tanong niya.
"What? Wala na kami ni Rashid. Nagkamustahan lang kami nang birthday ni Anastacio. That's all, don't be bothered. Mas minahal kita kaysa sa kanya. Maybe it was just a puppy love." Kibit balikat na sabi ko.
Pumiraso ako ng tinapay at isinubo ko kay Bello na ngumunguyang tumango sa sinabi ko.
"I'm glad, first love is my greatest fear Aurelia. Once it was awakened again, it's damn difficult to beat." Natahimik ako sa sinabi ni Bello.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
Teen FictionIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...