Chapter 11

375K 15.3K 2.9K
                                    

Chapter 11


Hindi agad ako nakapag isip ng tama habang nararamdaman ang mga bisig ni Cinderello na nakapulupot sa akin. Parang kinalimutan na ng buo kong katawan ang lamig ng ulan at ang marahang paghampas ng hangin nang sandaling marinig ko ang malambing niyang boses na nagpataas lang naman ng aking mga balahibo.

He's like a cute little kid asking for sweet attention. Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa kaba, gulat at hindi ko maipaliwanag na emosyon habang yakap niya ako. All I can feel right now is the warmth of his body around me.


"Ni aagaw mo si Ate Aurelia!" sumbat sa kanya ni Anastacio. Ramdam kong mas lalong humilig sa akin si Cinderello. His chin is resting on my shoulder.


"Ni aagaw ba kita 'Ate Aurelia?'" halos bulong na lang ito nang marinig ko ito mula sa kanya. Nananatili pa rin siyang nakayakap sa akin at dahil tinatanong niya ako ay bahagya akong lumingon sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay halos maglapat na ang dulo ng aming mga ilong sa sobrang lapit na nang mukha namin sa isa't isa. I can even see the small raindrop sliding from the bridge of his nose until to its tip. Oh godlord.

Hindi ko maiwasang hindi mapakagat labi, pilit kong pinipigilan ang mga kamay ko na umangat para hawakan siya. I want to glide my finger on his nose. Damn, bakit ang gwapo gwapo nitong si Cinderello? He's damn pestering my innocent mind.


Nakangisi siya sa akin habang tinititigan ako ng kanyang singit na mata, bakit parang wiling wili siyang pinagmamasdan ako?

Marahang inilagay ng isang kamay niya ang aking basang buhok sa aking kaliwang balikat para mas makita niya nang maayos ang aking mukha. Kahit ako ay gusto ko na siyang pakatitigan, he's too handsome at higit siyang magandang pagmasdan kumpara sa mga litrato niya sa loob ng bahay.

Yes, I've seen numbers of gorgeous men from different places but this Cinderello is damn unique, he's like a living fairy tale prince charming. Para siyang isang prinsipe na kalalabas pa lamang sa isang story book. Ang magaganda niyang mata, ang tamang tangos ng kanyang ilong at ang pilat niya sa may ilalim ng kanyang labi. At ang patak ng ulan na bumabasa sa kabuuan ng kanyang napakagandang mukha. Oh god! Bakit ako niyayakap ng ganitong klaseng lalaki?

Maging siya ay mariin din nakatitig sa akin, hindi ko maiwasang pamulhan ng mukha habang nakatitig siya sa akin. What is he thinking?


Hindi ko na alam kung may isang minuto na ba kaming nasa ganitong posisyon, how can I move if his warm existence around me is making me weak? I never felt this before and this is something new to me.

He can't stay embracing me for a long time, we can't be like this. You are not letting a prince looking stranger embrace you like this Aurelia. Si Cinderello pa din ito na mahilig awayin si Anastacio, he's still the antagonist, he's still the evil one. Don't fall on his trap.

Pakinig kong kanina pang nagsasalita si Anastacio ng kung ano ano pero hindi ko na ito maintindihan dahil sa lalaking nakayakap sa akin. I felt so hypnotize inside his arms, bakit parang presensiya na lamang niya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito?


Magsisimula na sana akong magsalita nang maramdaman kong hinawakan niya ang isa kong kamay at tanging nagawa ko na lamang ay sumunod sa gusto niya. Siya mismo ang nagdala nito sa kanyang mukha at inalalayan ng kanyang kamay ang daliri ko para paglandasin ito nang marahan sa kanyang matangos na ilong.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon