Chapter 19
Matapos ni Cinderello sabihin na gusto niya akong ligawan at sagutin ko na siya agad. Mabilis siyang nagpaalam sa akin, ayaw niya daw akong minamadali at binibigla kaya hahayaan niya muna daw akong mag isip ng isang araw.
Hindi ko mahanap kung nasaan ang sinasabi niyang 'ayaw niyang minamadali at binibigla ako' Anong ginagawa niya sa akin ngayon? He is giving me one day to think! Oh my god.
Kalahating oras na lang ay matatapos na ang aking klase. Ibig sabihin nito ay magpupunta na ako sa bahay ng mga Villegas para turuan si Anastacio. Gusto ko sanang magpalit muna ng damit dahil masyadong puti ang suot ko pero mukhang mas magtatagal pa ako. Late na rin ang klase ko ngayon, nakakahiya naman kay Tita Tremaine kung paghihintayin ko ang anak niya.
Nang mag ring na ang bell ay nagmadali na akong tumayo. Mabilis kong ibinaba ang aking uniporme na hindi na yata tama ang pagkakaiksi. Nitong isang araw ay napuna na rin ito ng isa sa mga Discipline Officer na nagmomonitor ng proper attire ng mga estudyante. Tumangkad siguro ako?
Siguro ay kailangan ko nang magpatahi ulit ng bagong uniporme. Kung sabagay, noong kabilang taon pa ito. I am wearing my nurse uniform, dahil gumamit kami ng laboratory kanina.
Bahagya akong sumilip sa may bintana para malaman kung umuulan pa at napailing na lang ako nang mapansing may kalakasan pa ito. Damn. Akala ko ba ay malapit na ang tag init?
Ito ang malaking problema ng mga kagaya kong nursing student, ang puti naming uniporme na siyang lagi naming iniingatan na hindi madaplisan ng kahit anong dumi.
Habang naglalakad na ako sa may corridor ay agad kong napansin si Bello na papalapit sa akin na may malapad na ngisi habang may hawak na bulaklak. Kung may alam lamang akong daan para hindi kami magkasalubong ay dito na ako dumaan, pero mukhang wala na akong pagpipilian.
"Flowers for you Aurelia.." napangiwi ako sa kanya. Saang bahay na naman niya kaya ito nakuha?
"Don't make that face Aurelia, binili ko ito.." natatawang sabi niya nang makita niya ang reaksyon ko. Napapansin ko rin na napapasulyap na sa amin ang ilang mga estudyanteng dumadaan.
Kung hindi ako nagkakamali ay kilala si Bello sa university ito. He's the school basketball star player, kaya hindi na nakapagtataka na natalo nila ang grupo ni Cinderello.
Bello is damn famous. Isama pa na may pagkamagandang lalaki siya, papaano pa siya hindi sisikat?
"Dapat ay ibinili mo na lang ng pagkain mo. I am not fond of flowers Bello.." hindi pa rin niya inaalis ang bulaklak na nasa harapan ko.
"Why Bello? Can you call me Dash? or Anthony? You're too formal Aurelia, hindi ba at friends na tayo?" nanatili lang akong nakatitig sa kanya at sa bulaklak niyang inaabot niya sa akin.
"Woah! Basted na 'yan! Ayaw ng mga nurse sa basketball player!" narinig ko ang pang aasar ng mga dumaang nagtatangkaran na mga lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga kasamahan ni Bello sa basketball.
Tumaas lang ang middle finger ni Bello sa mga ito bago siya muling bumaling sa akin.
"Accept this please? This is really for you Aurelia.." ayoko na siyang bigyan pa ng maling ideya.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)
JugendliteraturIn fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, treating you like a princess. But what happened to my prince? Running away, stealing my precious glass...