Chapter 30

265K 10.9K 975
                                    

Chapter 30


Nakailang buntong hininga na ako habang nakapangalumbaba sa isang coffee shop. Hinihintay ko si Tita Tremaine dahil inalok niya akong uminom ng kape kasama siya.

Kalalabas ko lamang sa hospital, tanging OJT na lang ngayong taon ang ipinapasok ko. Napatingin na lang ako sa paperbag na dala ko, nakalagay dito ang uniporme na suot ko galing sa hospital. Simula nang mawala siya hindi ko na matagalan na pagmasdan ang sarili kong nakasuot ng unipormeng puti na hindi lumuluha. He always wanted to see me in my nurse uniform with my flowing hair. Siya lamang ang lagi kong naaalala kapag nakikita ko ang sarili kong nakasuot nito.

Everyday is a torture.


Simula nang matapos ang bakasyon tinapos ko na rin ang lahat ng hawak kong tutorial at nang alukin ulit ako ni Tita Tremaine na turuan si Anastacio ay mabilis ko itong tinanggihan. Hindi dahil masyado akong abala at napapagod, sanay na ako sa mga ganito. Tinanggihan ko siya dahil bawat sulok ng kanilang napakalaking bahay ay muli ko na naman siyang maaalala.

Dalawa at kalahating buwan na ang nakalipas, ang pangakong magpapakilala siya sa aking magulang ko, ang pangakong babalik siya sa akin, ang pangakong muli siyang matutulog sa aking kandungan ay naglaho na ng parang bula.

Minsan natatanong ko sa aking isipan, totoo kayang nakakilala ako ng lalaking may pangalang Rashid? O kathang isip ko lamang ito? Totoo nga ba na may lalaking katulad nya kung maglambing? Rashid Amadeus Villegas is almost perfect. His sweetness, his gestures, his smile and even his pouting lips are so princely. Is he some kind of my illusion? Dapat ko na ba talagang tanggapin na isa lamang siyang ilusyon ng babaeng katulad ko na nangarap na makatagpo ng isang prinsipeng katulad niya?

Simula nang bata ako ay ipinamulat sa akin ni tatay na balang araw ay may isang makisig na prinsipeng magmamahal sa akin na lagi akong patatawanin, pasasahayin at mamahalin ng walang kapantay. He will treat me like a princess and will love and accept me for who am I. He will never leave no matter what.

Pero anong nangyari Rashid?

I thought you are my prince who will love me dearly but it turns out that you run away taking my helpless heart.


"Aurelia, hija!" agad kong pinahid ang namumuong luha sa aking mga mata nang maagaw ang atensyon mula sa boses ni Tita Tremaine. Kasama nito si Anastacio, napangiti na lang ako. I missed him.

Pero agad din nawala ang mga ngiti ko sa mga labi nang mapansin ko ang hawak ni Anastacio, muli na naman nag init ang sulok ng aking mga mata. Why to all kind of drinks? Why yakult Anastacio? Can he just drink chuckie instead?

Nakangiting naupo si Tita Tremaine, nakangiti na rin sa akin si Anastacio.


"I miss you Ate Aurelia!" masiglang bati nito sa akin.


"I miss you too" sagot ko sa kanya. Pilit kong pinasigla ang boses ko.


"Go, kiss Ate Aurelia.." mabilis tumango si Anastacio at nagmadali siyang lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

Hinintay lang namin na madala ang mga inorder namin bago kami nagsimulang magkwentuhan.


"How's your OJT hija?" tipid akong ngumiti ito.


"Okay lang naman po. Nakakapagod pero kapag mahal mo ang ginagawa mo hindi mo na naiisip ang pagod.." tumango lang siya sa akin. Hinayaan muna namin na maging abala si Anastacio sa pagkain niya ng cake.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon