NILOLOKO MO LANG AKOnasasaktan ako
sa bawat kilos na ginagawa mo
sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo
sa bawat segundong hinahayaan kong ikaw ang laman ng isipan konasasaktan ako
sa lahat ng babaeng malapit sayo
sa lahat ng babaeng nakakausap mo
at sa lahat ng babaeng tinitignan mogusto kong magreklamo
gusto kong umiyak ng todo
gusto kong magwala sa harap mo
gusto kong umamin sayopero hindi ko tinangkang gawin ito
ayaw kong magmukhang desperada sayo
ayaw kong magmukhang assumera para sayo
ayaw kong magmukhang baliw na baliw sayomahal na mahal kita, oo
at nasasaktan ako lagi ng dahil sayo
ewan ko ba pero
masasabi kong napakamanhid mohindi mo ba napapansin?
hindi mo ba nararamdaman?
hindi mo ba nakikita?
hindi mo ba naririnig?jusko!
mahal na mahal kita, gago!
kahit sobra sobra na ang sakit na natamo ko
kahit sobra sobra na ang luhang pumatak mula sa mga mata kogusto kitang kalimutan
gusto kitang sukuan
gusto kitang saktan
gusto kitang pahirapanpero ni isa hindi ko na naman ginawa sayo
dahil lahat ng sinabi ko
ay kabaliktaran ng mga bagay na gusto kong gawin sayo
nakakatawa 'no?nagpapakatanga ako sayo
habang ikaw naman sayang saya na niloloko ako
ganun ba talaga kasaya ang makasakit ng ibang tao?
ganun ba talaga kasarap sa pakiramdam ang manloko ng ibang tao?pakshet naman, kahit alam ko yan go pa din ako ng go!
kahit alam kong lokohan lang ito
go pa din ako ng go!
kahit alam kong masasaktan lang ako, iniwasan kong sumukomahal kita at todo todo na ito
sapat na yun para hindi ako sumuko
para balewalain ko lahat ng sakit na natamo ko mula sayo
para kalimutan ko ang salitang 'lokohan lang ito'lokohan lang ito!
tama ba ako?
ang galing ko 'no?
nahulaan ko!kasi dun naman ako magaling, jusko!
ang manghula sa kung ano ba ang totoo
ang salitang mahal mo ako
o ang salitang niloloko mo lang akomagaling akong manghula
at sa sobrang galing ko manghula
nasaktan ako
kasi akala ko tama na akoumasa kasi ako
nag-expect ng sobra sobra
kaya ayun
nasaktan akobakit ka pa kasi lumalapit sa iba?
hindi pa ba ako sapat?
hindi ba kita napapasaya?
or worst.. hindi mo ba ako mahal?ay! oo nga pala!
lokohan lang ito
joke lang yung sinabi mong mahal mo ako
joke lang ang lahat ng pinakita mopakshet naman jusko! joke lang ang lahat!
dapat na ba akong magparty?
kasi finally!
naalala ko!hindi na dapat akong magpakatanga
kasi nga lokohan lang ang lahat
joke lang lahat ng 'to sayo
masyado lang akong umasaumasa na baka sakali
pag-gising ko sa umaga
ang bubungad sa akin
ay yung salitang 'sineseryoso na kita'at doon ko napagtanto, wala na akong dapat isipin na may kinalaman pa sayo.. kasi naalala ko, sa mga katanungan ko, kung ano ba talaga ang totoo, jusko! isa lang ang sagot, ang tanging totoo sa lahat ng sinasabi ko ngayon ay.. ang salitang niloloko mo lang ako.
♢♢♢
Olweys rimimber! Donat Kapi! ANG PANGINOONG DIYOS AY MAGAGALIT!

BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.