KDRAMAbakit nga ba?
bakit napakahirap kong mahalin
bakit napakahirap kong intindihin
bakit parang ang hirap hirap kong kasamahindi ko maintindihan
hindi din nila maintindihan
kung ano ba talaga ang nararamdaman ko
masaya daw ako
pero sadyang naloloko ko lang yata sila sa mga pekeng ngiti kohindi din madali para sa akin
magkaroon ng ganitong ugali ay hindi ko hiniling
hindi ko ginustong maging ganito
ang maging kapalit palit at kumplikadong taoang hirap ko ba talagang intindihin?
hindi ba talaga ako klaro sa mga pinapakita ko?
bakit palagi nalang mali ang pagkakaintindi nila sa akin?
bakit parang laging mali ang pagkakaunawa nila sa ginagawa ko?
bakit ba kasi ang hirap hirap kong intindihin
hindi naman ako KPOP song
hindi din ako alien
pero bakit parang walang nakakaintindi sa akin?isa ba akong misteryo?
napakahirap bang malaman kung bakit ako ganito?
bakit bigla nalang akong masaya
bakit bigla nalang akong naging malungkotkailangan ko na ba ng subtitle?
ng isang libro ng point of view ko?
kailangan ko na ba gumawa ng sariling formula?bakit para akong math?
ang hirap kong intindihin
ang hirap malaman kung paano ako isolveang katanungang, bakit bigla nalang nagkaroon ng letters sa math?
ay parehas lamang ng, bakit bigla nalang akong nalungkot sa gitna ng pagiging masaya ko?
bakit bigla nalang akong nagbabagopero baka nga ayaw lang talaga nila sa akin
ayaw nila ng isang KPOP song
ayaw nila ng alien
ayaw nila ng isang misteryong libroayaw nila sa ugali ko kaya ganito
kaya hindi nila ako maintindihan
kaya palagi nalang nila akong iniiwan
dahil para sa kanila
isa lamang akong kdrama na walang subtitle at kahit kailan ay hindi nila maiintindihan.
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoesieIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.