Siyam

29 1 0
                                    


BAKIT AKO

bakit mo ako mahal?
hindi naman ako maganda
hindi din ako kagusto gusto
hindi din naman ako katulad ng ibang babae

hindi ako yung "ideal girl" ng mga lalake
hindi ako yung babaeng mahilig magpaganda
yung babaeng mahilig magtakong at magpalda
hindi ako yung tipo mong babae

bakit mo ako mahal?
ang hilig hilig ko sa libro
na kahit isang araw ay kaya kong magbasa
kahit hindi na 'ko maligo
kahit hindi na 'ko kumain

bakit ako ang gusto mo?
ang sungit sungit ko
wala akong sense of humor
masyado akong sarcastic
masyado din akong straightforward

hindi ako malapit sa tao
hindi ako yung tipong friendly
kakaunti ang kaibigan ko
dahil lahat sila ayaw sa ugali ko

kaya bakit ako ang mahal mo?
ang dami daming ibang babae diyan
na maganda
yung tipo mong babae
yung ideal girl ng mga lalake

hindi yung katulad ko na parang ignorante
na hindi man lang nagbibigay ng pake sa ibang estudyante
ni wala nga akong pake sa paligid ko
kahit magkagulo nga yata ang lahat
mananatili pa din akong tahimik sa isang sulok

ako yung tipong babaeng korni
minsan na nga lang magpatawa
korni pa
saklap diba?

kaya bakit ako?
bakit ako ang pinili mong mahalin?
bakit sa dinami dami ng iba diyan ako ang minahal mo?
bakit ako ang mahal mo?

Torn Pages Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon