BIGLA
ngayon ay sasabihin mong mahal mo ako
sasabihin mong handa kang maghintay hangga't pwede na ako
sasabihin mong worth it ang haba ng oras na 'yon
dahil sa dulo, ako naman ang makukuha mo
ngayon
ngayon lang 'yan
pwedeng magbago
pwedeng mawala
kapag napagod ka
at magpasyang magpapahinga
hihingi ng oras na wala ako
aalis nalang bigla
bigla
biglang magbabago ang lahat
biglang mawawala ang lahat ng pangako
biglang magiiba ang paningin mo sa akin
dahil sa wakas
natuto kang mapagod
nalaman mo na hindi naman ako worth it
na kapag nakuha mo, normal lang
bigla nalang
bigla ka nalang magpapaalam
at malalamang hindi naman pala ako ganoon kaganda
na isa lang ako sa mga ordinaryong babaeng nakilala mo
biglaan
bigla
bigla ka nalang aalis
bigla ka nalang susuko
dahil batid mo na hindi na ako ang mahal mo
batid mo na hindi na ako ang kailangan mo
hindi na ako ang hinahanap-hanap mo
at hindi na ako ang pagpapaguran mo.
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
