LUBAYAN MO AKO
mahal, pasensya na't minahal kita
pasensya na kasi ginawa ko ang lahat mapasaya ka lang
pasensya na kasi ibinigay ko lahat
pasensya na kasi sobra ang pagmamahal ko sayo
pero mahal pakiusap
lubayan mo ang isip ko
umalis ka sa mga salita ko
tigilan mo ang puso ko
alam kong wala na
alam kong tapos na
hindi na dapat ibalik
kasi wala ng ibabalik
at ngayong wala ka na
gagawin ko ang lahat
magsasakripisyo ako kung kailangan
makalimutan ko lang ang pagmamahal ko sayong hindi mo nasuklian.
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PuisiIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
