PAGBABAGO
hindi ko alam
dapat ba akong mag-alala
wala akong maramdaman
nanatiling walang emosyon
hangga't sa siya'y makalayo
kaunting pagitan ngunit
nagawa kong huminga
ng malalim.. ng maayos
hindi ko alam kung bakit ganito
di ko akalaing
epekto ng sakit
ay ganito pala kapait
masakit malamang niloloko mo lang ako
pero mas masakit malaman na ipinagmamalaki mo pa ito
tila nanlamig ang puso
naging manhid dahil sa sakit na natamo
tila sobrang lupit naman ata ng tadhana
pinagtagpo niya tayo
pero hindi pa pala tayo para sa isa't-isa
mapaglarong tadhana
binago ako ng pag-ibig
sa maikling panahon
gamit ang iisang tao
isang tao ka lamang, pero tila ang lupit naman ng sakit na binigay mo sa akin
nagbago ako, hindi para magsisi ka, kundi para ipakitang, hindi.. hindi ka kawalan. ipagpapatuloy ko ang buhay kong akala ko'y wala ng saysay. with or without you.
☆☆☆
Remember! NEVER EVER COPY, God is watching!♥︎
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoezieIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
