PARINkung paano mo ako sinaktan, ganoon kita mamahalin
tama nga sila. kapag umiwas ka ng umiwas
sabihing wala na at talagang nakalimutan mo na siya
lalo lang bumabalik
lalong sumasakit kasi pati ang nakaraa'y naaalala mo na
pati na din ang sakit na idinulot niya sayo
bumabalik ang nakaraang sakit at saya
ang pakiramdam na marinig ang "mahal kita" mula sa bibig niya pero kasalungat nito ang totoong nararamdaman niya
bakit ganito?
ginawa ko naman lahat
umiwas at pinigilan ko nang mahulog muli
bakit parang bumalik lang ako sa una?
parang walang nagbago
kahit na alam ko na ang totoo
kung ano siya at kung ano ang paulit-ulit na pinaparamdam niya sa akin, bakit parang hindi pa din nagbabago?
bakit mahal ko pa rin siya?
sa simpleng pagtawag niya sa pangalan ko kapalit noon ang pagbabalik ng nararamdaman kong pinaghirapan kong balewalain, kalimutan at tanggalin
bakit mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyayari?
bakit siya pa din ang laman ng puso kong tanga?

BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.