MAHAL KITA
mahal kita
mahal na mahal kita
at sa sobrang pagmamahal ko sayo
ni minsan ay hindi ko inisip na magloko
ni minsan ay hindi ko inisip na ipagpalit ka
sa iba
oo maraming mas pogi sayo
oo maraming mas magaling sayo
pero hindi sila ang mahal ko
at wala akong pake kung mas better sila sayo
ibibigay ko lahat
uubusin ko ang sarili ko hangga't sa maging sapat
mamahalin kita hangga't kaya ko
kahit marami ng motibo
na dapat ako na'y sumuko
binalewala ko yun
kasi wala naman akong pake dun
may tiwala ako sayo
alam kong hinding hindi ka magloloko
pero ayan na naman si motibo
nagsasabing ika'y nagloloko
na ako'y iiwan mo na
na ako'y susukuan mo na
napansin ko iyon, oo
pero binalewala ko
kasi nga may tiwala ako sayo
kasi nga mahal kita
mahal na mahal kita
pero bakit ganun?
parang hindi mo alam yun?
naramdaman ko ang pagiwas mo sakin
ang unti unti mong paglayo sa akin
napakadaming nagbago
at oo, napansin ko
pero anong magagawa ko?
diba wala ngang tayo?
diba hindi mo naman ako pinanghawakan?
oo inangkin mo ako
sinabi mong sayo lang ako
at pumayag ako
ikaw lang naman kasi ang mahal ko
wala ng iba, ikaw lang
kahit anong gawin ko
hindi ko magawang magloko
hindi ko magawang baguhin ang salitang IKAW ang mahal ko
at sa bawat segundo
bawat minuto
at sa bawat oras na lumilipas
ikaw lang ang nasa isip ko
pilitin ko mang mag-isip ng iba
hindi ko pa din maiwasan ang hindi ka isipin
kasi sa bawat pagtangka ng utak ko na kalimutan ka
biglang dadating si puso at sasabihing mahal kita
laging pinapaalala
ng puso ko, na mahal kita
mahal na mahal kita
at kahit anong gawin ko hindi ko mabago
mahal na mahal kita
at kung mawala ka man sa isip ko
pustahan, wala pang isang mintuo
andito ka na naman
patuloy na nilalakbay ang utak ko
patuloy na ipinapaalala rito na mahal kita
mahal na mahal kita
sa bawat lalakeng kinakausap ko
ikaw ang unang pumapasok sa isipan ko
at kahit anong mangyari
hindi ako magtatangkang lokohin ka
kasi mahal kita
mahal na mahal
kahit napakarami na ng motibo
na pilit na sinasabi na niloloko mo ako
na pilit na pinapasuko ako
at ayan na naman
binalewala ko
diba sabi ko naman sayo?
wala lang yun sakin
kasi mahal kita
at buo ang tiwala ko sayo
at yun nga
dumating yung araw na kinatakutan ko
ang araw na sukuan mo ako
ang araw na sabihin mong ayaw mo na
ayaw mo na sa kung ano mang meron tayo
walang tayo, oo
pero merong ikaw at ako
ang ikaw na mahal na mahal ko
at ang ako na mahal na mahal ka
at doon ko napagtanto
kaya hindi mo ako pinanghawakan
kaya hindi nagkaroon ng tayo
kasi para wala ka ng problema
para kapag ayaw mo na madali mo nalang akong bibitawan
kasi wala namang commitment eh
wala namang mga pangako
para kapag iiwanan mo na ako
madali nalang din
kasi ni minsan hindi mo naman ako hinawakan eh
gusto kong umiyak
pero walang lumabas
walang nagtangkang pumatak
natakot itong mahulog
kasi kapag nahulog ito
wala namang sasalo
masyado kong pinanghawakan ang salitang mahal kita
ni hindi ko nga natanong ang sarili ko
mahal kita, pero mahal mo ba ako?
napansin mo ba?
na sa tulang ito
sa lahat ng sinabi ko sa una
sinabi ko lang mahal kita
pero wala akong sinabi na mahal mo ako
kasi hindi ako sigurado
ang tanga ko 'no?
masyado akong nadala sa sinabi kong..
mahal kita
ang sakit..
ang sakit sakit..
kasi alam ko na mahal kita pero alam ko din na hindi mo ako mahal
hindi ko alam kung maaalis ko pa yung sakit
sa sinabi mong ayaw mo na
sa sinabi mong pagod ka na
masakit
sobrang sakit
ang sakit sakit
sa dulo nitong tulang 'to
wala kang mababasa
kundi ang tinago kong hinanakit
ng dahil sayo..
nagdurugo ang puso ko
ang puso kong sinira mo
ang puso kong iniwan mo
ang puso kong..
niloko mo
nakakapagod din pala maging tanga
nakakapagod din palang maghabol sa taong wala namang balak na tumigil para lang sayo
nakakapagod
nakakapagod na
kung ikaw sumuko ka na
'wag kang mag-alala
ako ang susunod
ako ang susunod na susuko
hindi man nauna
at least ako ang tunay na nagmahal
ako ang tunay na naging tanga
ang tunay na umasa
ang tunay na nasaktan
at hindi sapat na ako lang ang nagmamahal.. sa ating dalawa
minahal kita
at kasalukuyang mahal na mahal parin kita
mahal na mahal kita
sobrang mahal kita
pero pasensya..
tama na
pasensya na
pero hindi ko na kayang panghawakan pa
ang salitang nakakaumay na
ang salitang "mahal parin kita"
♡♡♡
Paalala! 'Wag na 'wag kokopyahin, Ang panginoon ay nanonood!
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoesiaIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
