MAGKAIBIGAN
Kapag ba sinabi ko sayo
May magbabago?
Mamahalin mo din ba ako?
Hindi mo alam kung gaano kahirap
Ang magpanggap
Ang humarap sayo nang may tinatagong nararamdaman
Katulad ng sinabi mo
Hanggang magkaibigan lang tayo
Hanggang do'n lang ang lahat
Mahirap,
Masakit,
Pero kailangan ko'ng tiisin
Hindi ako hihiling nang higit pa sa magkaibigan
Tatanggapin kong hanggang do'n nalang talaga
Dahil kahit umiyak ako dito,
Magpakamatay,
O kung ano pa 'yan
Magkaibigan pa din tayo
Walang magbabago
Wala ng dapat magbago
Ang nakaraa'y dapat nang kalimutan
Ang lumipas ay dapat nang balewalain
Sinaktan kita
Iniwan kita
Sapat na rason na 'yun para hindi na tayo bumalik
Sapat na 'yun para mawala na ang dating tayo
Ang dating tayo na masaya
Ang dating tayo na akala nati'y hindi mawawala
Ang dating tayo na akala nati'y magtatagal
Ang dating tayo na wala na
Kaya heto tayo ngayon
Magkaibigan
Hanggang magkaibigan nalang
Nagsimula bilang magkaibigan at natapos din bilang magkaibigan
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
