Apat

60 3 0
                                    


NANIWALA AKO

naniwala ako
naniwala ako sa sinabi mong mahal mo ako
ewan ko pero nababaliw na ata ako
naniwala ako kahit alam kong hindi totoo

oo baliw na nga ako
kasi kahit alam kong lokohan lang ito
andito pa rin ako
patuloy na naniniwala sayo

baka dahil nabulag ako
nabulag ako sa pinakita mong mahal mo ako
nabulag ako sa nakita kong paghihirap mo
makuha lang ako

baka dahil nabingi ako
nabingi ako sa sinabi mong mahal mo ako
nabingi ako sa mga sinabi mong akala ko
ay totoo

baka dahil nasobrahan ako
na tipong hindi ko na alam kung ano ba ang deserve ko
yung kaunting pagmamahal? yung sakto lang?
o yung sobra?

o baka dahil namanhid na ako
namanhid ako sa sakit na binigay mo sa akin
nasobrahan ka yata?
pwedeng hati tayo?

nasasaktan ka, nasasaktan ako.. parehas tayo
para fair?
pero naalala ko nga pala
sa pagibig walang fair

maaaring ang makuha mo mula sakanya ay kaunti
at ang makuha niya mula sayo ay sobra
ang unfair 'no?
pero anong magagawa mo? 'yun ang pagibig eh

kaya eto ako
patuloy na nagpapakatanga sayo
kahit sobrang sakit na
kahit sobrang hirap na

kung sana ay meron lang labanan sa pagiging tanga
siguro champion na ako?
siguro ako na ang dakilang tanga
dakilang tanga nang dahil sayo

hindi kita sinisisi
no hindi ko gagawin yun
hindi mo kasalanang hindi mo ako mahal
hindi mo kasalanang hindi ako yung pinili mo

kasi mahal..
sa ating dalawa..
ako..
ako ang dapat na sisihin..

kasi ako
ako ang tanga
ang tanga na naniwala sayo
ang tanga na nag-assume na oo!

mahal mo ako.
kahit hindi naman talaga.
ako yung tanga na nagmahal ng sobra sobra
tanga na nagtiwala ng sobra sobra

kaya ngayon kung gaano kasobra ang binigay ko
ganun rin kasobra ang sakit na natamo ko
mula sa'yo..
naniwala ako.. sa sinabi mong mahal mo ako

mahal, kahit masakit na.. ikaw pa din ang mahal ko.

♥︎★♥︎
Reminder! NEVER EVER COPY, GOD IS WATCHING TV! Char.

Torn Pages Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon