TATLONG PAHINA
simulan natin sa unang pahina
kung saan nagsimula ang istorya nating dalawa
kung saan wala tayong iniintindi kundi tayong dalawa
kung saan ang tamis ng pagibig ay damang-dama pa
isunod natin ang pangalawang pahina
kung saan humahaba ang bawat pangungusap
ang simpleng bagay ay nagiging kumplikado
ang kaunting mali ay nagiging matinding kasalanan
tapusin natin sa pamamagitan ng pagsulat ng pangatlong pahina
kung saan nagbunga ang pagaaway nating dalawa
kung saan natapos tayong dalawa
kung saan hindi ko na kinakaya
ang sakit na nadarama
pasensya na
pero hanggang dito na lang talaga
ang istorya nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoesíaIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
