HILINGmasama bang humiling na sana ko nalang ang mahal mo?
masama bang umasa na sana mapansin mo ako?
masama bang panghawakan ang sinabi kong mahal kita?
kung masama, edi walang hiya, makasalanan pala akokaya ngayon
hinihiling ko na sana ako nalang ang mahal mo
na sana ako nalang 'yung nasa tabi mo
sana ako nalang 'yung hinahanap-hanap momaraming beses ng sumagi sa isipan ko
na hindi pwedeng maging tayo
hindi pwedeng magkaroon ng ikaw at ako
na hindi dapat ako nagkagusto sayoalam kong iba ang mahal mo
iba ang laman ng puso mo
iba ang nasa isip mo
at hindi ako ang bukambibig mosana hindi nalang ako nagkagusto sayo
sana hindi nalang ako nagpadala sa kagwapuhan mo
sana nung una palang hindi na kita pinansin
sana hindi nalang kita minahalalam kong hindi sapat na mahal kita
hindi sapat na ako lang ang nababaliw sa ating dalawa
hindi sapat na ako lang ang palaging magsasabing mahal kita
hindi sapat na ako langhinayaan mo akong mahulog
hinayaan mo akong mapamahal sayo
hinayaan mong malunod ako
hinayaan mo akokaya ngayong nahulog ako sayo
nasaktan ako
nadurog ang puso kong baliw na baliw sayo
dahil hindi mo ako sinalohinayaan mo akong magkagusto sayo
pero hindi mo plinano na saluhin ako
oo mahal kita
pero hindi sapat na ako lang ang nagmamahal sa ating dalawabakit ba naman kasi pinagtagpo pa tayo kung hindi naman tayo para sa isa't-isa?
bakit ko hinayaang mahulog ako sayo gayo't alam ko naman na hindi mo ako sasaluhin?
bakit ikaw pa ang minahal ng puso kong tanga?
bakit kailangan pa nating mapamahal sa ibang tao na sasaktan lang tayo gayo't sa dulo naman ay meron namang magpapasaya sa atin?bakit kailangan pa nating masaktan?
isa lang ang hiling ko
sana.. sana hindi nalang ikaw ang minahal ko..
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.