Labing-tatlo

32 1 0
                                    


MALING PAG-IBIG

ako nalang yata ang bumabalik sa nakaraan
ako nalang yata ang umaasang babalik ka at sasabihing ako'y hindi mo makalimutan
ako nalang yata ang mag-isa sa kawalan
umaasang ako'y iyong babalikan

gusto kong bumalik ka
hindi para saktan ako
kundi para mahalin na ako ng totoo
ng puro at walang halo

alam kong imposible pero bakit umaasa pa din ako?
alam kong mauulit ang nakaraan pero bakit parang wala na akong pakialam?
sabik na sabik
sa iyong yakap at halik na minsang aking naramdaman
at 'di inaasahang hindi magtatagal

ako pala'y iyong iiwan
sa gitna ng kawalan
mag-isa at walang makakapitan
tanging ako lang, nasasaktan

bakit ganyan ka?
bakit mo ako sinaktan ng sobra?
bakit mo ako pinaasa?
bakit mo ako pinatikim ng panandaliang saya?

nakaramdam ng saya
pero sa maikling panahon nadama
sa maling panahon nakasama
sa maling tao nakita

maling pag-ibig
tibok ng puso'y 'di na marinig
mali
maling pag-ibig

sa maling panahon
sa maling lugar
sa maling tao
nakahanap ng maling pag-ibig.

Torn Pages Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon