ALAALAhindi ako desperada
hindi ako mapilit
kung ayaw mo na sakin
kung hindi mo na ako mahalhindi na kita hahabulin pa
hindi na ako magtatanong kung bakit wala na
kung bakit biglang hindi na
hindi na ako magdadrama sa harapan mo
umiyak ng walang katapusansisiguraduhin kong sa oras na iyon
ang huling oras na makikita mong sandali kitang minahal
sa oras na iyon
natapos tayo
naglaho ang pagmamahal na akala ko'y panghabang buhay
pati na din ang pagbibigay ko ng halaga sa mga bagay na nasa paligid kosisiguraduhin kong
kapag iniwan mo ako
wala ka ng babalikan
dahil ang mga bakas ng paa mo sa dinaanan mo papunta sa akin
ang nakaraan mo kasama ako
ang dating tayo
ay binura ko nakaya kapag nagtangka kang bumalik
hindi mo na magagawang maabot ako
hindi mo na maaalala ang patungo sa akin
maliligaw ka naat sa panahong kakailanganin mo ako sayong tabi
ako'y wala na
isa na lamang akong alaala
alaalang magpapaalala sayo kung ano ang sayo'y nawala
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PoetryIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.