MASAKIT, PERO PWEDE NA
nakakaramdam ako ng sakit
sobrang sakit
pero pwede na
nagawa kong magpanggap
ipakitang wala namang ganap
kinakaya ko naman
nagawa akong iwan
at minsan ding binitawan
nagawa ko namang manatili
kaya kong panghawakan
ang sinabi mong ikaw lamang
basta't ako'y iyong sasamahan
sa paglalakbay papuntang
walang hanggan
nakakaramdam ako ng sakit
masakit, pero pwede na
pwede na..
pwede ko nang itigil
ang pagmamahal ko sayo na akala ko'y walang makakapigil
habang ang mundo'y umiikot ng walang tigil
ako'y aalis, bibitaw na sa iyong bisig
paalam aking mahal
ikaw ngayo'y akin nang bibitawan
lilimutin
buburahin
sapagkat sobra na
ang sakit na nadarama
hindi ko na kinakaya
hindi ko na panghahawakan
ang salitang
"masakit, pero pwede na"
BINABASA MO ANG
Torn Pages
PuisiIdadaan natin sa tula, sa simpleng tula, sa maikli o mahabang tula, marami mang saknong at taludtod, bwisit bahala na.
