nagising si Gwenne na tila mabigat ang pakiramdam. hindi na rin naman ito bago sa asawa niyang si Lester dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ay palaging ganoon si Gwenne sanhi ng canyang pagdadalang-tao.
kaya hinahayaan na lamang ni Lester kung hindi kumakain ng maayus ang asawa tuwing umaga.
"hayan! okay na!
siguradong gutom na ang asawa ko.
kasi naman, hindi nanaman kasi siya naka-kain kaninang umaga.
I'm sure, mas marami na siyang makakain ngayon, paborito kasi niya itong dinuguan eh."ang sabi ni Lester sa isip na parang ewan na pangiti-ngiti habang nag-hahain.
tinawag ni Lester ang asawa at niyaya itong kumain.
"hon, come on, let's eat."
malambing na tawag ni Lester sa asawa at maingat nitong inalalayan ang asawa sa pag-baba ng hagdan."oh hon, what's wrong?."
pagtataka ni Lester ng mapansing tila hindi ginagalaw ng asawa ang pagkain."Ang tabang naman nito! kulang sa rekado.
ano ba naman iyan? ayoko na nga!."
nag-dadabog na tumayo ang galit na si Gwenne.
tinikman naman ni Lester ang nilutong dinuguan.
"hindi naman ah. malasa nga, eh."
pangangatwiran ni Lester sa asawa.
totoo naman kasing masyado nang malasa ang luto niya."so.! sinasabi mong wala akong panlasa, ganon ba?."
medyo pasigaw na ang tono ni Gwenne ng sabihin niya iyon.
ang ayaw niya kasi sa lahat, ay yung sinasalungat ang mga sinasabi niya. Of all people, asawa niya pa!."okay sige na, okay na. huwag ka nang magalit please?,."
pag-susumamo ni Lester sa asawang ani mo'y tigre ang hitsura.parang tupang napaamo ni Lester ang nagagalit na asawa ng makita ng babae ang hilaw na mangga.
agad nitong pinakuha ang mangga kay Lester."pwede bang iyong mangga na lang ang kainin ko?, at paabot na rin ng catsup."
pakiusap ni Gwenne sa asawang takang-taka ng marinig ang mga katagang iyon."ha! ah, okay."
habang sarap na sarap sa pag-kain si Gwenne ay lihim na nangingiti si Lester.
lingid sa kanyang kaalaman, nakikita pala iyon ng asawa. nagulat pa siya ng makitang nakatingin na ito sa kanya ng masama at parang nanlilisik pa ang mata."anong ngingiti-ngiti mo diyan?!"
singhal ni Gwenne kay Lester.
"wala,. wala.."
sagot ng lalake at tumalikod upang hindi na makita ng asawa ang kanyang pagngiti.***
"Lester,."
pag-tawag ni Gwenne sa asawang kasalukuyang nanonood ng tv sa salas."hmm:"
pag-tugon ng lalake na hindi inaalis ang tingin sa telibisyon."gusto ko ng mani."
malamig na tono ng babae.doon naman napatingin si Lester sa kanya.
"sandali lang."
sagot nito at binalik agad ang tingin sa pinapanood.diretso lang ang titig niya sa tv ng mag-salita uli ang asawa.
"bilisan mo na kasi, nagugutom na ako!."
masungit na saad ng babae at ng hindi pa rin natinag ang asawa ay doon na siya talaga nagalit."tsk, lester!,."
pagsigaw na niya. doon naman tumayo ang walang ganang si Lester at bumuntong-hininga.
"anong mani ang gusto mo?."
tanong nito."basta gusto ko ng mani!."
angil ni Gwenne sa asawa at dumiretsong pasok sa kanilang kuwarto.
wala namang nagawa si Lester kundi ang mapa buntong-hininga at nag-lakad na palabas ng kanilang bahay.mga ilang sandali lang ay bumalik na si Lester na may dala ng mani.
"ayoko nito!
bakit adobong mani? gusto ko yung sinangag na mani!."
sigaw ni Gwenne at itinapon ang hawak na mani. mabuti nalang at nasa plastic pa iyon kung kaya't hindi natapon.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...