Kinabukasan, Kasamang pumunta ni Lester sa prisinto ang kanyang mag-ina. Hindi niya alam kung bakit siya biglang nag-alalang baka balikan si Gwenne ng kung ano mang umatake sa kanila kagabi.
Hindi siya ang tipo ng taong mapaniwala sa kung ano-anong bagay ngunit bigla niyang naisip na baka nga,... Baka nga ang tiyanak na bulung-bulungan ng mga tao ngayon sa lugar nila ang siyang sumugod sa kanila kagabi at muntik ng pumatay sa asawa niya...
Ng marating na nila ang prisinto ay nakita niyang sama-sama ang mga pulis at mukhang may mahalagang pinag-uusapan... Ng maka-upo na ang asawa ay saka na siya nagpaalam dito na may aasikasuhin lamang.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Lester ng malapitan na ang mga kasamahang pulis. "Hepe, buti nakarating ka na. Dumating dito ang risulta ng autopcy ng bangkay ng iyong kasambahay." Ang pagputol ng kapitan sa kanyang sinasabi.
Naupo si Lester sa isang monoblock doon at matamang nakinig. "At sabi dito, Hindi pangkaraniwan ang ikinamatay ng babae..." Naguguluhang tinitigan ni Lester ang kapitan na halata ring medyo nahihirapan sa pagpapaliwanag ng tungkol na iyon sa kanya.
Dahil sa kapwa sila hindi naniniwala sa kung anomang nangyayari sa kanilang lugar kung kaya't parehas din silang hirap intindihin ang mga ito.
"I think, you should see this for yourself." Saad sa kanya ng kapitan at lapag sa kanya ang nakarolyong medyo may kakapalang papel. Ng buksan niya iyon ay litrato ng isang buong katawan ng isang babae ang kanyang nakita. Halos mahindik siya ng muling makita ang wakwak na tiyan ng babae.
Mariin niyang pinagmasdan ang katawan nito mula ulo hanggang paa. Una ay ang pisngi nitong maputla na at may natuyo pa yatang dugo.
Sumunod ay ang labi nitong may butil-butil na dahil sa ilang araw na itong patay.
Bumaba pa ng bumaba ang mga mata ni Lester hanggang sa may biglang nakaagaw ng atensyon niya. Binalik niya ang mga mata sa leeg ng babae at tinitigan ng maigi. Maya-maya ay gulat na gulat itong nagsalita.
"Ano to?" Bigla niyang sabi at nakatingin sa mga kasamang pulis na nakaupo sa mesang iyon."Hindi ba? Ang sabi, kagat daw iyan ng isang ngipin...
Ngipin ng isang.. Sanggol." Nagsitayuan ang mga balahibo ng lahat sa tinuran ng kapitan. Muling ppinagmasdan ni Lester ang leeg nito at napansin nga niyang maliliit na ngipin ang nakamarka sa butas na leeg ng babae."Hindi kaya, may kinalaman ang kaso ng mag-asawang pinasok daw ng tiyanak at ang kaso ng babaeng iyan?" Ang lahat ay napaisip sa tinuran ni Lester. Nais nilang papuntahin ang lalaking nagreport sa kanilang may tiyanak daw na sumugod sa bahay nila at siya ring nagpahanap sa kanila sa halimaw na ito.
At yon nga ang nangyari. Ipinatawag ang lalaking iyon upang pumunta sa prisinto at magbigay ng statement sa kanila.
"Hon, anong nangyayari, bakit parang nagkakagulo kayo dito?" Naguguluhang tanong ni Gwenne ng makalapit muli si Lester sa kinauupuan nila. Kasalukuyang nasa bisig niya ang kanilang anak na ngayon ay natutulog na. Hinaplos ni Lester ang noo ng anak.
"Mabuti naman at nakatulog na. Ewan ko ba, pero parang hindi siya mapakali kanina pa kung kaya't hirap akong patulugin siya.." Saad ni Gwenne sa asawa. Sinalubong ni Gwenne ang mga mata nito. Halatang pagod at kulang sa tulog ang asawa dahil na rin sa namumungay nitong mga mata. Naupo si Lester sa tabi niya at malayang isinandal ang likod sa silya at ginagap ang isang kamay ng babae.
"Gwenne, may ibabalita ako sa yo..." Saad ni Lester at sinadyang putulin ang pangungusap.
"Ano yon?" Hindi niya alam ngunit bigla siyang kinabahan sa tono ng pananalita ni Lester. Masyado itong malalim at siryoso...
![](https://img.wattpad.com/cover/102287302-288-k753556.jpg)
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HororSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...