"Kuya, bakit kaya maagang umakyat si ate?" Ang tanong ni Allice habang sumusubo ng kanin.
"Ewan. Masama daw pakiramdam.."
Ang sagot lang ni Lester at napapailing."Ayos lang ba siya, kuya?" Ang nag-aalalang tanong ni Allice.
"Parang hindi ka na nasanay, kung walang gana, masama naman ang pakiramdam,. At kung hindi naman, parang palaging nahihilo. hay! hindi ko na maintindihan yang ate mo kung minsan.
May mga oras naman na parang ayos lang siya, pero madalas, hindi.."
Ang mahabang paliwanag ni Lester sa katulong habang napapabuntong-hininga."Kuya, si Carl nga pala, sa taas sa kwarto niya ko nilagay, para kasing ayaw magpa-istorbo doon ni ate eh." ang pag-iiba ng usapan ni Allice, hindi niya gustong nadadamay kung sakaling may hindi pagkaka-unawaan ang mag-asawa, dahil gaya ni Lester, madalas din niyang mapansin ang minsang pabago-bago nang ugali nang amo.
Minsang masungit, minsang tahimik, at minsang masigla nanaman.Kasalukuyan parin silang kumakain ni Lester nang hapunan, maagang tinapos ni Gwenne ang pag-kain dahil nahihilo daw siya.
"sige, ayos lang." ang simpleng sagot ng lalaki bago ituloy ang pag-kain.
Aaaaaahhh!"
Biglang napa-tayo si Lester at naibaba ang hawak na kutsara.
"Gwenne!"
Nabulalas niya nang marinig ang malakas na tinig nang asawa na nag-mula sa itaas.Dali-dali siyang umakyat at pumasok sa kanilang silid.
"Gwenne!" Bulalas niya nang makita ang asawang walang malay na nakahandusay sa sahig.Nilapitan niya ito at binuhat.
"Allice,!"
Ang pagtawag niya sa katulong nang sila'y nasa baba na."Kuya!?"
Ang sagot naman ni Allice habang humahangos papalapit. Basa pa ang mga kamay nito dahil sa paglilinis ng plato.
"Si Carl, alagaan mo. Lalabas kami ng ate Gwenne mo, dadalhin ko siya sa ospital."
Ang utos niya sa babae habang isinasakay na niya sa kotse ang walang malay na asawa."Dumito ka na muna sa kotse habang kumukuha ako ng mga gamit." Ang utos ni Lester sa katulong na sa una'y tumatanggi pa ngunit nang sabihin ni Lester na makakasama sa babae ang masyadong mapagod dahil nga sa nagdadalang-tao ito ay saka pa lang niya napapayag ang babae.
Ilang sandali pa ay pinaarangkada na ni Lester ang sasakyan palabas sa mga malalaking puno...---
Samantala....
"Mahal, maaari mo ba akong ihanap nang makakain, nagugutom na ko eh." Ang pag-gising ng isang babaeng nasa ikalimang buwan na nang pagbubuntis.
"ummm: inaantok pa ko, pwede bang bukas na lang?" Ang nakapikit na sabi ng lalaki.
Agad na nanlumo ang babae, hindi nagustuhan ang sinabi ng asawa." Mahal, sige na talagang gutom na gutom na ako. Makakasama sa ating sanggol kung hindi ito mapag-bibigyan. Sige na mahal ko."
Ang paglalambing pa niya sa lalaki na agad nang napilitan.Bumangon ang lalaki at tumayo, "Sige na nga, pero medyo matatagalan ako, kita mong sobrang dilim pa ng gabi.
Basta ipangako mong hindi ka lalabas, maya maya lang ay nandito na ako dala ang pagkain niyo."
Ang sabi ng lalaki sa asawa at haplos sa medyo maumbok na tiyon nito saka humalik sa asawa bago lumabas tangan ang gaserang nagbibigay liwanag.Matapos noon ay nahiga muna ang babae. Maya-maya pa'y isang iyak ng sanggol ang kanyang narinig..
Bumangon siya at sumilip sa bintana.
Isang basang sanggol ang nakahiga sa hagdanan ng kanilang kubo habang namamaluktot sa lamig at umiiyak.
Nakaramdam siya nang awa dito kung kaya't nagdisisyon siyang buksan ang pinto at lapitan ang sanggol.uhaaa! uhaaa! uhaaa!
"Aba! isang sanggol, mukha siyang anghel!"
Ang sabi ng babae saka dahan-dahang lumapit at kinarga ang munting sanggol.Maya-maya pa'y biglang tumahimik ito at naramdaman niyang tila may unti-unting tumutusok sa kanyang leeg.
"Aaaaaaaahhh!!!!"
Sigaw ng babae ng makita niya ang hitsura ng kanina lamang ay munting sanggol.Mahaba ang kuko, matulis ang mga ngipin, nakakatakot ang mukha, nanlilisik ang mapupulang mata, magaspang ang balat. iyon ang hitsura ng isang...
Sanggol sa gubat."aaaaaaaaahhhhhhh!!!!" tila napunit na tela ang nilikhang tunog nang walang awang butasin ng tiyanak ang tiyan ng kaawa-awang babae matapos ay sumunod ang puso nito..
Hihihi!
Ang matinis na hagikhik ng tiyanak matapos ay tinalon ang may kataasang bintanang kawayan at mabilis aglaho sa dilim.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...