Isang sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay nina Gwenne at Lester kasunod ang pagbukas nito.
Naunang lumabas si Lester at umikot upang pagbuksan ang asawa.
Inalalayan niya itong makaababa sunod ay ang pagkuha ng mga gamit nila sa likod.Matapos noon ay agad na silang dumiretso sa kanilang bahay.
Bahagyang nagtaka si Gwenne ng mapansing hindi nakapinid ang kanilang pinto.Hindi nalang niya iyon pinansin at nagtuloy na sa loob.
Kapwa sila nagulat ng makita ang loob ng bahay.
Madilim, Makalat, at nagkabasag-basag ang mga gamit."Oh! Lester, Anong nangyari dito?!"
Gulat na tanong ni Gwenne sa asawa na kasalakuyang gulat din sa nakikita.Nabalik lamang ito sa ulirat ng marinig ang pagsigaw ng asawa sa pangalan ng kasambahay mula sa baba.
Nakihanap na din siya at nakisigaw.
"Allice,! Carl,! Allice!"
Sigaw na din niya at akyat sa itaas. Pumasok siya sa silid ng kasambahay ngunit wala sino man ang nasa loob.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!"Agad siyang napatakbo papunta sa kanilang silid ng marinig ang malakas na tili ng asawa.
"Gwenne!" Sigaw niya ng makapasok na sa loob. Nakita niya ang asawang takot na takot at umiiyak habang nakatayo at nakatitig sa sahig.
Agad niya iyong nilapitan at inangat ang ulo ng babae.
"Bakit?"Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng asawa.
"Lester, n-nanakawan t-tayo." Humihikbing saad ni Gwenne na ikinagulat niya.
"Ano!!"
Gulat niyang sabi ng makabawi.
Nilapitan niya ang mga gamit at nanlumo ng makitang nawawala nga ang ilan sa mga iyon.Magsasalita pa sana siya ng may marinig sila.
"Uhaaa! uhaaa! Uhaaaaa!"
Carl!"
Kapwa nilang saad at sabay na napatakbo pababa ng hagdan."Uhaa!! Uhaaaa! Uhaaaaaa!!"
Agad niyang tinakbo ang umiiyak na anak sa ilalim ng mesa. Kinarga niya ito at niyakap.
Pinahid niya ang mga luha nito at isinandal sa balikat niya."Carl!"
Gulat na saad ni Gwenne ng makita ang medyo may kalaking sugat sa braso nito at dugo sa bandang labi nito.
Agad na sinuri ni Lester ang sanggol at nabalisa ng makita ang ilang sugat sa katawan nito."Lester ano yan!"
Turo ni Gwenne sa braso nito. Doon ay ay ang medyo may kalakihang paso."Ano bang nangyari dito?
Nasaan ba si Allice?"
Saad ni Gwenne at tawag muli sa kasambahay ngunit gaya ng mga nauna, wala pa ding sagot.Kinabukasan...
Nagmamadaling binuksan ni Gwenne ang pinto ng marinig ang pagparada ng kotse ng asawa sa gilid ng kanilang bahay.
Nakangiti niya iyong sinalubong ng makababa na ang asawa buhat ang kanalang anak na si Carl.
Isinama ni Lester ang anak sa paglabas ng bayan at ng mapatingnan na ang mga natamo nitong sugat at mga pasa sa katawan matapos ay saglit na dumaan sa prisinto para ireport ang nangyaring nakawan sa kanilang bahay kahapon lang.Hindi nagtagal ay dumating na din ang sasakyan lulan ang mga pulis na mag-iimbestiga sa nangyari sa kanila.
"Bos!," Bati ng mga pulis ng makababa na sa sasakyan.
Matapos ang konting batian ay sabay-sabay na silang nagtungo sa loob ng bahay.Matapos ang ilang sandali ay nagsimula na silang mag-imbestiga sa loob.
Naghiwa-hiwalay sila upang mag-hanap ng lead na maglilinaw sa nangyari."Bos, lumalabas sa ating imbestigasyon na ang inyong kasambahay ang nagnakaw sa ilan sa mga gamit niyo. Kung kaya, nagdisisyon na siyang tumakas." Salaysay ng isang pulis habang sila'y nakaupo sa mahabang bangko sa terrace.
"Ngunit paano niyo maipaliliwanag ang mga sugat at paso ng anak ko?" Biglang saad ni Gwenne na kanina pa palang nandoon at nakikinig sa usapan nila."Bakit pa kailangang saktan niya ang walang kamuwang-muwang na sanggol?" Dagdag pa nito.
"May naging kaso na din kaming ganyan noon. Sinaktan niya ang sampung buwang sanggol matapos ay kinuha ang ari-arian nila saka tumakas."
Salaysay pa ng isa."So, sinasabi mong ganoon din ang nangyari sa amin?"
Tanong ni Gwenne.Marahang tumango si Lester at may pag-aalala sa mga mata ng gawaran niya ng sulyap ang asawa.
"Ikinalulungkot ko, ngunit tama siya. Eksaktong iyon ang ginawa sa atin ni Allice.
Kinuha niya ang tiwala natin at ng magtagumpay na siya ay saka niya isinagawa ang matagal na niyang binabalak."
Sagot ni Lester habang nakatitig sa malungkot na mata ng babae.Matapos ang ilang oras ng pag-uusap ay umalis na din ang mga pulis dala-dala ang isang
Maling paratang.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...