The Revenge: (Hinala: II)

52 2 0
                                    

"Uhaaa! Uhaaa! Uhaaa!"
Tapos na si Gwenne magluto ng para sa hapunan ng marinig niya ang malakas na pag-iyak ng anak mula sa itaas.

Nagmadali siyang umakyat at ng buksan niya ang silid ay laking gulat niya sa nakita.
"Carl!" Sigaw niya ng makitang nakadapa sa sahig ang sanggol at umiiyak.

"Uhaaa! Uhaaa! Uhaaa!" Iyak nito ng pulutin niya at pagmasdan.

Di sinasadyang napatingin siya sa damit nito at nanlaki ang kanyang mata sa nakita.
"Dugo!"
Nahihintakutan niyang sabi ng may nakitang patak ng mariming dugo sa damit ng sanggol.

Agad niya iyong sinuri at halos mapasigaw siya ng makitang mas dumarami pa ang mga dugo. Tila naliligo sa dugo ang anak niya. Pinagmasdan niya ang buong katawan nito at ng walang nakita'y inililis niya ang manggas na suot ng anak at mas lalo pa siyang nahintakutan ng makita ang medyo may kalalimang sugat sa braso ng sanggol.

Pinagmasdan niya ang sahig kung saan nakita niya ang anak na nakadapa doon... ("Imposibleng nagkasugat siya ng ganto kalalim sa simpleng pagkahulog lamang. Dahil kung pagbabasehan, isang malaking bukol ang matatamo niya kung padapa siyang nahulog sa sementadong sahig na ito ngunit walang kabukol-bukol ang noo ng anak ko Kaya saan nanggaling ang malalim na sugat sa braso niya?")
Bulong ng isip ni Gwenne at natatarantang kinuha ang first aid kit at sinimulan ng gamutin ang duguang sugat ng sanggol.

---

"Bos, nasaan ba talaga yung tiyanak na yon? Eh mukhang wala naman!." Bagot na reklamo ng isa sa mga pulis ni Lester habang sinisindihan ang isang stick ng sigarilyo.

Nagkibit-balikat lang si Lester at luminga-linga. "Sigurado ba talagang dito niyo nakitang umikot ang tiyanak?" Baling ni Lester sa lalaking nagsabing isa daw sa kasama sa humabol sa tiyanak na naka-engkwentro daw ng isang mag-asawa.

"Opo sir, dito yon." Sagot ng lalaki at nagpatuloy na sila sa paglalakad sa madilim na parte ng kakahuyan.

Kasalukuyang tinatapos nila ang ilan sa mga report nila ng biglang may tumawag sa police station at nagsabing may tiyanak daw na sumugod sa isa sa mga bahay malapit sa kakahuyan at ipinapahanap sa kanila.

Hindi man naniniwala, napilitan pa ding sumama si Lester sa operasyong iyon. Kaya ngayon, Nasa Madilim, masukal, at mapunong parte sila ng kakahuyan dahil dito daw nakita ng mga taong humabol sa di umanong tiyanak na sumugod daw sa isang mag-asawa.

Ngunit inabot na sila ng dilim sa kakahuyan ngunit wala ni anino ng tiyanak na sinasabi sa kanila.

Naghiwa-hiwalay ang buong kapulisan para mas mapadali ang kanilang pag-hahanap.
Tuloy lang sa paglalakad sina Lester ng biglang magring ang celphone nito kaya naman mabilis siyang nagpaalam sa mga kasama at lumayo para sagutin iyon.

Kumunot ang noo niya ng makitang si Gwenne ang tumatawag.
"Hello Gwenne?" Bungad niya pagkasagot ng tawag.

..

"Ha! Paano nangyari yon? Anong saksak?!" Medyo tumaas ang kanyang boses ng marinig sa asawang may saksak daw sa braso ang anak.

"O sige. Sige, papunta na ako diyan!.."

Nagmamadali niyang sambit sa kausap at tsaka ibinaba ang tawag. Ng mailagay na sa bulsa ay naglakad na si Lester pabalik sa mga kasama para magpaalam na mauuna na dahil may emergency sa bahay ngunit napansin niyang tila may pinagkukumpulan at pinagkakaguluhan ang mga iyon ay agad siyang nagtaka.

Nilakihan niya ang ginawang mga hakbang para mabilis na marating ang mga kasama ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng biglang sinalubong siya ng isa sa mga kasama.

the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon