The Revenge: Balon:

57 1 0
                                    

Matapos masigurado ni Gwenne na ayos na ang sarili ay saka na siya lumabas nang kanilang silid.

"Allice, Allice?,." ang pag-tawag niya sa katulong.

Mula sa mabalasik at nakakatakot na mukha ay naging maamong mukha ng isang anghel ang kanina'y humahagikhik na tiyanak.
"Oh my god!. Allice,!."
nabulalas ni Gwenne sa nakita.

umiiyak ang naka-dapang sanggol sa sahig katapat nang kuna nito. Samantalang humahangos na tumatakbo ang katulong sa loob nang bahay dahil sa pag-sigaw ng amo.
"Mahabaging--."
ang tanging nabulalas niya nang makita ang alaga sa lapag.

Agad niyang tinakbo ang sanggol na buhat na ng kanyang amo at kinuha. nang makita ang may kalakihang bukol sa noo nito ay agad niyang ikina-bahala.
"Ma'am, kukuha lang po ako sandali ng yelo."
ang paalam niya at ini-abot muli ang sanggol sa amo.

Nang makabalik na ay saka niya idinampi ang yelong may balot na bimpo sa noo nito. "Ma'am, pasensya na po, hindi ko po alam kung bakit nahulog sa kuna si Carl. Tulog naman po kasi siya noong maiwanan ko."
ang tanging paumanhin niya kay Gwenne.

"Naiintindihan ko, diba nga tulog siya nang i-abot ko siya sayo bago ako umalis. Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit mahuhulog siya sa kuna gayung mataas naman ang harang nito."
ang nagtatakang sagot ni Gwenne sabay sulyap sa kunang hanggang dibdib ang taas.

Iwinaksi na lamang ni Gwenne ang pagtataka at binaling nalang ang atensyon sa ibang bagay.

"o.sige, ikaw nalang ang bahala kay Karl, ako nalang ang magluluto."
ang sabi nalang niya at ini-abot ang bata sa katulong at nagtungo na sa kusina.

maayus na lumipas ang mag-hapon. Hindi na nila namalayan pa ang pagdating ni Lester sa kanilang bahay.

Ng mabuksan na ni Gwenne ang pinto ay agad siyang sinalubong ng matamis na halik ng kadadating lang na asawa.
"How's your day hon?."

Ang malambing na tanong ni Lester.

mahinang tumawa si Gwenne bago nagsalita.
"Pumasok ka kaya muna bago mo ako tanungin ng ganyan, ha?."
Sabi ni Gwenne sabay hila sa asawa papasok sa loob ng bahay. naabutan nila ang katulong na nasa sofa habang nilalaro ang kanilang anak.
Agad na nilapitan ni Lester ang anak at binuhat saka pinugpog ng halik sa noo at sa pisngi.

"Kamusta naman ang gwapong-gwapo kong anak ha? ang bango natin ngayon ah."
Ang magiliw na sambit ni Lester sa nakatawang anak.

Nilaro-laro lang ni Lester ang anak hanggang sa lapitan at tawagin na sila ni Gwenne at papuntahin na sa kusina.
"Siya sige, halika na sa kusina at kakain na."
ang malambing at may ngiting saad ni Gwenne at nagpatiuna na sa kusina dahil tutulungan pa daw si Allice sa pag-hahayin.

Matapos mag-hapunan, nauna nang umakyat si Gwenne sa taas. pumasok siya sa silid at nahiga na sa kama. pagod na siya sa pag-aalaga sa anak at sa pagtulong na din sa pagliligpit sa bahay.

tumayo siya at binuksan ang bintana upang papasukin ang sariwang hangin. hindi nanaman talaga kailangang buksan pa ang bintana dahil natural na malamig sa kanilang silid ngunit gusto niyang malanghap ang sariwang hangin kung kaya.

Hihihihihihihi!

Napa-igtad si Gwenne nang may marinig na tinig ng humahagikhik na sanggol.
(Parang nangyari na to dati ah.)

bulong ng kanyang isip. muli siyang nakiramdam sa paligid.
Agad siyang kinilabutan ng marinig muli ang tinig na iyon na tila nag e-echo sa kapaligiran.

Alam niyang nagmumula iyon sa ilalim ng balon. tumayo siya at sumilip sa labas ng kanyang bintana.
malalaki at matataas na puno ang nasa paligid, mistulang madilim na gubat ang kinatitirikan ng kanilang bahay.
tumingin si Gwenne sa kailaliman ng balong kaharap niya. Tiyak na diyan ka babagsak kung ika'y mahuhulog.

kinilabutan si Gwenne ng mas matagal pa niya itong titigan kasabay ng biglang pag-hihip ng malakas na hangin na tila may bagyong paparating kasabay ng malakas na tinig ng sanggol.

hihihi!!

tila nanggagaling sa kailaliman ng balon ang mga tinig. Tila itinulos si Gwenne sa kanyang kinatatayuan, isinisigaw ng kanyang isip na tumakbo siya at lumabas ngunit tila may isip ang kanyang sariling katawan at ayaw gumalaw ng kanyang mga paa.

kahit ang kanyang tinig ay nagkait na lumabas sa kanyang mga labi.
mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, umaasang sa pagdilat ay panaginip lang ang lahat.

hihihi!

hihihi!

hihihi!

Tatlong malalakas at sunod-sunod ang mga hagikhik na nakapagpadilat sa mga mata niya.

na sana'y hindi nalang niya ginawa.

"aaaaaahhh!!!"

biglang lumabas sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang mga tiyanak na unti-unting lumulusong pataas sa balon habang nakititig sa kanya.

hihihi!
hihihi!
hihihi!.

Ang malalakas at maliliit na hagikhik ng mga tiyanak habang lumulusong ang huli niyang narinig.

"aaaaaahhh!!!"
ang huli niyang sigaw kasabay ng kanyang pagbaksak sa malamig na sahig ng kanilang silid.

the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon