"Tulong! Tulungan niyo Akoooooo!
Kitang-kita ni Gwenne ang babaeng umiiyak habang tumatakbo.
Medyo madilim kaya hindi niya maaninag ang mukha nito.Tahimik niyang pinanood ang babae sa pagtakbo Hangang sa nakita niyang sumuot ito sa mga naglalaguang mga damo.
Maya-maya pa ay nakita niya ang isang tiyanak na madalas na nakikita niya sa kanyang panaginip.
Palingon-lingon ito habang naglalakad paikot sa paligid.Nahigit niya ang hininga ng matungtungan ng tiyanak ang lugar malapit sa pinagtataguan ng babae.
Napapikit siya sandali at ng maramdaman na niyang nakalayo na ang tiyanak ay saka na siya dumilat.
Pinagmasdan niya ang lugar kung nasaan ang babae ngunit hindi na niya makita ang mukha nito dahil natatakluban ito ng malalagong damo.Maya-maya ay nakita niyang naglabas ito ng celphone at nakita niyang itinatapat nito ang celphone sa tenga.
Tingin niya'y may tinatawagan ito.Maya-maya'y narinig niya itong nagsalita na siyang ikinagulat niya ng sobra.
"Ate, si Carl---"
Agad na nanlaki ang mga mata ni Gwenne ng marinig ang mga katagang iyon. ("Ate, si Carl.)
Narinig na niya ang mga katagang iyon noon.
Hindi pa siya nakakahuma ng makita niyang biglang may sumakal sa babae.
"Raaaaaah!"
Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ni Gwenne ng marinig ang kakila-kilabot na pamilyar na pag-angil.Ng tingnan niya iyon ay hindi nga siya nagkamali.
nakita niya ang tiyanak na nakapasok na pala sa lugar na pinagtataguan ng babae."Aaaaaaaagg!"
Dinig niyang sigaw nito."A-at--.. Aaattte!,
"Aaaaaaaagg!!"Dinig niyang muling sigaw ng babae na mas lalo pa niyang ikinakagulat.
("Iyon din ang mga narinig ko kay Allice noon.
Noong huling beses kaming nagka-usap...)"
Laman ng kanyang isipan habang tinititigang mabuti ang malabong mukha ng babae.Raaaaaaah!"
Galit na angil ng tiyanak habang gigil na gigil sa pagsakal sa kaawa-awang babae."M-mag.. Mag-iingat.. -- k-ka!"
Hirap na sabi ng babae dahil sa papahigpit na papahigpit na kapit ng tiyanak sa leeg nito.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaggggg!"
Hirap na sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa sakal ng tiyanak."Rrrrrraaaaaaaaaaaahhh!"
Galit na galit ang nanlilisik na mga mata nitong nakatingin sa babae.."H-hhh.indi na ko mm--aaaaaaaaaaaaaaahhh!"
Natutop ni Gwenne ang bibig ng makita niya ang pagkagat ng tiyanak sa leeg ng babae.
Impit ang kanyang pag-tili sa takot na marinig din ng tiyanak at mabalingang muli ng tingin gaya ng isa sa mga naging panaginip niya.Ilang saglit pa ay binitawan ng tiyanak ang leeg ng babae ngunit patuloy pa din sa pagkagat doon.
Nakita ni Gwenne ang ginawang paghawak ng babae sa leeg kung saan ito kinagat ng tiyanak pagkaraan.
Hinawakan ng tiyanak ang tiyan ng babae tapos muling tumingin sa duguang leeg ng bagong biktima.Muli siyang binalot ng matinding takot ng muling mapasigaw ang kaawa-awang babae ng walang anu-ano'y muling kinagat ng tiyanak ang leeg nito at sarap na sarap na sinipsip ang natitira pa nitong dugo.
"Raaaaahh!"
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...