Matapos kumain, hinayaan lang ni Allice ang alaga sa sala habang tahimik na nakahiga sa stroller nito habang siya naman ay nagtungo sa kusina para linisin ang mga ginamit sa pagkain at sa pagluluto.
Patapos na siya sa pag-huhugas nang marinig ang malakas na kalabog kasunod ang malakas na pag-iyak nang alaga.
Carl!"
Sigaw niya at nabitawan ang basong dapat sana'y kanyang huhugasan para matanggalan na ng sabon.
Nabitawan niya iyon at aksidenteng nahulog sa sahig at nabasag.
Dapat sana'y iiwan na niya iyon at saka na lang babalikan kapag naamo na niya ang alaga ngunit sa kasamaang palad, naapakan niya ang isang pirasong bubog at nawalan ng panimbang kung kaya't nadulas.Napadaing siya sa sakit at agad na kinabahan nang maramdaman ang dugong umaagos mula sa pagkababae niya.
"H-hindi!
A-ang anak ko!!."
Ang mahina niyang sabi at namimilipit sa sakit.Hinawakan niya ang wala pang umbok na tiyan.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang tumayo at ng makatayo ay pagewang-gewang kung maglakad.Mas lalong lumakas ang palahaw ng kanyang alaga. Pinilit niyang maglakad papunta sa salas para sana tawagan ang mga amo ngunit masnanlamig siya sa nakita.
Nang malapit na siya sa salas ay bigla siyang nagtaka ng biglang nanahimik ang buong bahay.
Ang malakas na iyak ng sanggol ay biglang nawala at isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong bahay.At nang tuluyang marating ang salas ay agad na siyang kinabahan ng makitang nawawala na ang sanggol.
Sinilip niya ang stroller na pinaglagyan niya dito ngunit laking pagtataka niya ng hindi ito makita."Carl!?"
Pagtawag niya. Humakbang siya at tumalikod. sinilip niya ang ilalim ng sofa pati na ng stroller ngunit hindi talaga niya makita.
"Ya.Ya..!,"Nagtaka siya nang marinig ang sanggol sa kanyang harapan.
"Ikaw talaga,. Tinakot mo naman si yaya, akala ko nawawa--"Agad naputol ang sinasabi ni Allice nang magulat ng sa pag-harap niya'y hindi ang alagang sanggol ang nakita.
"Raaaaaaaaaahhhhhhh!"Nahigit ni Allice ang hininga.
Mahahaba ang kuko, matutulis ang ngipin, at nanlilisik ang mapupula nitong mga mata.Akmang ihahakbang na niya ang mga paa ng biglang...
"Raaaaaaahh!"
Sigaw ng tiyanak kasabay ng mataas na pagtalon.
Laking gulat niya ng sa isang iglap lamang ay naka-kunyapit na ito agad sa leeg niya.
Matapos ang maliksing pagtalon, agad niyang naramdaman ang pagkapulupot ng mga kamay nito sa kanyang leeg kasunod ng paa nitong mahigpit ding pumulupot sa bewang niya.Sobrang higpit ng kapit nito sa kanya na halos hindi na siya makahinga.
Naramdaman niya ang pagsakit ng tagiliran kung saan nakapulupot ang binti ng tiyanak. Para itong sanggol na nagpapabuhat at nangungunyapit sa kanya.
"A-aray! Aaaahh!! bitawan mo kooooooo!!!!!"
Sigaw niya sabay hiklat sa may bandang kilikili nito para ilayo sa kanya.
"Raaaaaa!!"
Galit na angil ng tiyanak.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
TerrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...