The Revenge: HAGIKHIK

67 1 0
                                    

ng makababa na ang mag-asawa sa kotse ay pinauna na ni Lester ang asawa sa loob ng bahay. siya na kasi ang mag-papasok ng kanilang mga gamit.

medyo madilim na ng sila'y makarating na sa kanila. kakalabas lang din kasi ng asawa matapos nitong isilang ang kanilang anak.
"Gwenne,! pabukas naman ng pinto!." sigaw niya habang may dala-dalang maraming gamit sa magkabilang kamay.

agad din namang sumunod ang nasa loob at binuksan ang pinto. nakita pa ni Lester na buhat pala nito ang kanilang natutulog na anak.
"pasensya na, kinailangan mo pa tuloy tumayo."
mahinahong paumanhin ng lalaki sa asawa.
nangiti naman si Gwenne sa tinuran ng asawa. marahan niyang hinaplos ang maamong mukha ng lalaki saka nagsalita.
"ano ka ba naman, napaka liit na bagay nga lang ng ginawa ko, kung magsalita ka naman ay parang hindi ko kayang tumayo."
nakangiting saad ni Gwenne sabay tapik sa balikat ng asawa.
"halika na nga at baka magka-sakit ka diyan, ang lamig-lamig kaya."

sabi niya sabay higit sa lalaki papasok na.
"anong gusto mong kainin?"
tanong ni Lester habang pinapahinga ang likod sa malambot na sofa.
"magpa-deliver nalang kaya tayo."
saad ni Gwenne habang nilalagay ang sanggol sa duyan.

"masyadong malayo ang bayan dito at baka ilang oras pa ang abutin, ipag-luluto nalang kita."
sabi naman ni Lester.

"sigurado ka? pagod ka na." nag-aalalang sagot ni Gwenne sa asawa.
"ayos lang." pag-tanggi ni Lester sabay tayo at deretso sa kusina.

biglang nalungkot si Gwenne ng maka-alis na si Lester, hindi niya maialis sa sarili ang ma-guilty sa tuwing naaalala niya ang ginawang asal sa asawa noong nagdadalang-tao pa lamang siya. alam niya kasing nasasaktan niya ang asawa noong mga panahong iyon.

***

nilingon ni Gwenne ang mahimbing na natutulog na si Lester.
malalim na ang gabi at heto pa rin siya at dilat na dilat pa rin ang mga mata.

nakailang palit na siya ng posisyon ngunit ang antok ay hindi talaga dumadalaw. tumagilid siya paharap sa dingding at pinikit na ang mga mata.
ilang sandali pa at unti-unti na siyang tinatangay ng antok ng biglang...

"hihihi!"

may naulinigan siyang tinig ng isang sanggol.
hindi na sana niya iyon papansinin at inisip na baka nananaginip lang siya nang..

"hihihi!"

narinig nanaman niya mas malakas na sa ngayon.

sa ikatlong beses na ay mas lalong lumakas na at lumapit. bigla siyang napaigtad at napa-tingala sa kisame.

"hihihi!!"

bigla siyang natauhan. alam niyang sa ngayon ay hindi siya nananaginip!
("nanggagaling ang mga hagikhik sa labas ng bintana!)"
sigaw ng kanyang isip at muling nakiramdam, at ng muling narinig ang mga hagikhik ng sanggol ay hindi nga siya nagka-mali.
sa labas ng bintana, sa malalim na balon...  nanggagaling. ang. mga hagikhik!.


























the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon