Hinagpis
Matapos makuha ang reseta ng mga dapat inumin ni Gwenne at matapos ang mga ilang habilin ng doktor ay agad na din silang umuwi.
May ngiti sa labi habang inaalalayan ni Lester ang asawa sa pagbaba sa sasakyan. Ingat na ingat siya dahil sa pag-aalalang madapa o di kaya'y kung anong masamang mangyari ditong maaaring ikapahamak ng sanggol sa sinapupunan nito.
"Lester, masyado ka namang mag-alala para sa anak natin, eh kulang nalang ay buhatin mo ako huwag lang madapa.
Samantalang kaya ko namang maglakad."
Ang natatawang biro ni Gwenne sa asawa."Ganon talaga, mahirap na."
Ang ganting sagot ng lalaki habang binubuksan ang pinto.
Kaagad silang sinalubong ni Allice, "Kuya, kamusta po ang ate?"
Ang nag-aalalang tanong ni Allice, galing ito sa likod-bahay at nagdidilig nang makita niya ang kotse ng kanyang among paparating."Ayus na ako Allice, medyo nahilo lang daw sabi ng doktor. Konting pahinga lang daw ay magiging maayos na ako uli."
Si Gwenne na ang sumagot.
"Siya nga pala, nasaan si Carl?"
Tanong ni Lester."Ah, nasa taas po, natutulog. Matapos ko siyang ilabas para paarawan ay pinatulog ko na po." Simpleng tumango si Lester at nagtuloy sa pagpasok sa bahay at diretsong umupo sa malambot na sofa.
"Sige Allice, akyat lang ako sa taas para silipin si Carl."
Sabi ni Gwenne at tumalikod.***
----.......----
Sa kabilang dako....
Nagmamadaling maglakad ang isang lalaki pabalik sa kanilang maliit na bahay-kubo bitbit ang mga nabiling prutas mula sa bayan. Wala siyang nakitang maaaring makain nang asawa sa kagubatan kung kaya't napilitan siyang pumunta sa bayan ng sobrang aga.
Medyo may kalayuan din ang bayan sa kanilang lugar kung kaya't inabot na siya nang haring-araw bago pa makarating.("Naku sana, ayos lang ang aking asawa, bago ako umalis ay gutom na gutom siya, sana'y hindi sumama ang kanyang loob dahil ako'y natagalan.)"
Ang sabi niya sa isip at ipinagpatuloy na ang paglalakad.Bahagyang kumunot ang kanyang noo ng makita ang bakas nang dugo sa labas ng kanilang bahay.
Agad siyang kinabahan, natakot....
Inilang hakbang lang niya ang bahay-kubo at nang marating niya na ito ay kaagad niyang tinulak ang kahoy na pinto pabukas.Unti-unti siyang nanlumo nang makita ang maraming dugong nagkalat sa kawayang sahig.
"Sylvia?"
Ang kanyang pagtawag."Sylvia!"
Ulit niya nang hindi ito nakita sa kanilang kama.. Habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang pagkakaba niya.
(Paano kung may hindi magandang nangyari sa asawa ko habang wala ako?)
Bulong nang kanyang isip. Napatitig siya sa mga dugong nagkalat sa sahig, tila may pinupuntahan ang mga ito.Hindi niya namamalayang sinusundan na pala niya ang mga bakas ng dugo. Lalong tumitindi ang kabang kanyang nararamdaman nang mapagtanto niya ang pinupuntahan ng mga dugo.
Sa likod-bahay.Tinakbo niya patungo roon at tila tinakasan siya ng bait sa kanyang nakita.
"Asawa ko!"
Nasambit niya nang makita ang walang buhay na bangkay ng isang babae.Kaagad niya itong tinakbo at nilapitan.
"Sylvia!"
Sigaw niya. Pinagmasdan niya ang bangkay nito. Wakwak ang dibdib, pula ang leeg na tila naupos na dugo, wakwak ang tiyan, labas ang bituka.Iyon Ang hitsura nang biktima nang tiyanak.
"Sylviaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Isinusumpa ko,! magbabayad ang may gawa nito sayooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!"
Sigaw niya...
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...