The Revenge: (Ang pinag-ugatan Ng Lahat)

30 3 0
                                    

"Maupo kayo.." Utos ng matandang albolaryo sa dalawa saka ito sandaling umalis. Inalalayan naman ni Lester paupo ang hanggang ngayo'y umiiyak parin na asawa.
"Lester, I'm sorry. I'm very very sorry.." Ang humihikbing turan ni Gwenne.

Bagama't nagtataka ay hindi nalang nagtanong si Lester at hinayaan nalang na ganoon ang asawa. Habang si Gwenne naman ay tuluyan ng binagabag ng kanyang konsensya ng dahil sa pagbabalik ng ala-ala ng madilim na nakaraan..

"Nakahanda na ang lahat, huwag kayong gagawa ng kahit na anong galaw o dikaya'y ingay. Ang kailangan niyo lang gawin ay titigan itong salamin. Mag-hawak hawak tayo ng kamay.."
Paliwanag ng matanda ng makabalik ito dala ang isang plangganang puno ng tubig at isang salaming nakatayo dito. Tinitigan ni Lester ang salamin. Ang ibabang parte nito ang siyang nakalublob sa tubig at ang itaas na bahagi naman ang siyang nakaharap sa kanila ngayon.

"Para saan po ang mga ito aleng Selia?" Tanong ni Lester matapos magsindi ng kandila ang matanda. Ipinalibot nito ang mga kandila sa paligid ng salamin. ("Huh! paanong Tumatayo parin ang mga kandila kahit pa basa ang ibabang bahagi ng mga ito?!")Manghang sambit  ni Lester sa isip ng makita ang matikas na pagkakatayo sa mga kandila.
"Ang salaming ito ang magsisilbing daan tungo sa nakaraan. Dito niyo makikita ang lahat ng mga nangyari. Hindi lang ito basta-bastang salamin lang hijo, hija. Ito ay mahiwaga. Ang plangganang ito ang magkokontrol sa mga pangyayari sa nakaraan at sa atin. Ito ang magpipigil sa ating paggalaw. Ibig-sabihin, hangga't hindi pa natatapos ang nais ipakita sa atin ng tubig ay hindi rin tayo makagagawa ng anumang pagkilos o pagsasalita. Magmimistulan tayong mga estatwang nakatingin lang sa mga pangyayaring isinisiwalat ng  salamin. Ang kandila ang magsisilbing ilaw patungo sa nakaraan, kung saan nagsimula ang lahat ng pangyayaring ito. At siya nga pala ang salamin ang magsisilbing harang natttin sa nakaraan. Anuman ang inyong makitang ginawa o nasabi niyo na ay hindi na maaaring baguhin o bawiin pa... Tandaan ninyong ginagawa natin ito upang may mabunyag, at hindi upang may mabawi...Ang anumang nagawa na ay mananatiling nakaraan na lamang, at ang tanging magagawa na lamang ay ang tanggapin ito at yakapin tama man o mali.."

the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon