Kinabukasan, Maagang nagising si Gwenne. Matapos makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas at sumagap ng sariwang hangin.
Habang naglalakad, ay natanaw niya ang kapit-bahay na si Gigi. Nginitian siya nito at kinawayan. May ngiti sa labi ng lapitan niya ito. Naupo siya sa pasamano ng bahay ng mga ito katabi ang kaibigan.
"Gwenne, Kamusta na? Ang tagal natin bago huling nagkita". Saad ni Gigi habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. Tanging ngiti lang ang naging sagot ni Gwenne sa babae. "Oo nga pala, nabalitaan ko na ang nangyari sa kasambahay niyo, Grabe no? Kawawa naman talaga ang mga naging biktima ng tiyanak na iyon.." Sunod-sunod na sambit ni Gigi na bumahid pa ang pangingilabot sa mukha.
Muli nanamang naalala ni Gwenne ang nakita. Iniisip niyang sabihin iyon sa kanyang kaibigan ngunit nag-aalangan dahil baka hindi lang maniwala gaya ng ginawa ng asawa kagabi.
"Gi, maniniwala ka ba kung sabihin ko sa yong may nakita akong multo kagabi?" Siryosong sabi niya. "Ha?" Sambit ni Gigi. Pinagmasdan siya nito ng mabuti at tsaka tinitigan ng diretso sa mga mata sabay hagalpak ng tawa.
"Siryoso ka?" Ang nakatawang tanong nito. "Naman Gigi Eh. Kailan ba ko nagbiro?" Nagmamaktol na sabi ni Gwenne at sumimangot.
"At kaninong multo naman ang nakita mo? kay Superman, o kay Batman? O baka naman kaluluwa ni Darna!" Ang nakatawang biro pa ni Gigi, Halatang hindi talaga makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.
"Hindi. Kay Veronica.." Siryosong sabi niya na ikinatigil ni Gigi.
"Ha?" Gulat na sambit nito at tumigil na sa kakatawa."Nakita ko Si Veronica.." Pag-ulit niya sa sinabi. "Si Veronica, yung pamangkin ng asawa mo?" Ang hindi makapaniwalang sabi ni Gigi.
"God! Gwenne, huwag mo nga akong tinatakot!" Maktol ni Gigi habang hinahaplos ang braso na pinaninindigan na ng balahibo. "Oh, akala ko ba hindi ka naniniwala?" Nakatawang tukso ni Gwenne para mabawasan ang pangingilabot na muli niyang nararamdaman.
"Eh ano namang sinabi ng kaluluwang yon sa iyo?" Pukaw ni Gigi sa atensyon ni Gwenne. Muli nanamang nag-alangan si Gwenne kung itutuloy pa niya ang kwento dahil baka tumawa nanaman ang kaibigan. Yon nga eh, nakapagtataka.
Sinabi niyang si Carl na anak ko ang pumatay sa kanya at sa iba pang bangkay na natatagpuan sa kakahuyan.." Ang may pagtatakang sambit ni Gwenne."O my G girl, sa dinami-rami ng pwedeng pagbintangang pumapatay na tiyanak, sa anak mo pa!." Bulalas ni Gigi sa takot.
"Oo nga eh. Tama ka diyan friend. Tapos alam mo ba, yung lalaking pinapunta nina Lester doon sa prisinto, yung mag-asawang pinasok daw ng tiyanak ang bahay noong isang araw,.. Sinabi niya kahapon na si Carl na anak ko daw ang tiyanak na pumasok sa kanila at nagtangka sa buhay nilang mag-asawa." Kwento pa ni Gwenne.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
TerrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...