[Pangitain:]..
naalimpungatan si Gwenne sa hindi malaman na dahilan.
nilingon niya ang kanyang tabi at agad na bumalot ang pagtataka ng hindi niya nakita ang anak sa kanilang tabi. nilingon niya ang mahimbing na natutulog na asawa saka siya dahan-dahang tumayo.naisip niyang marahil ay umiyak ang sanggol at kinuha na ng kanilang katulong ng hindi niya namamalayan ngunit gusto niyang makasigurado.
ng marating na niya ang silid ng kanilang kasambahay ay dahan-dahan niya itong binuksan.marahan siyang sumilip ngunit walang kahit na anong senyales na naandoon nga ang kanilang anak. tanging ang kasambahay na mahimbing na natutulog lang ang kanyang nakikita.
marahan niyang sinarado ang pinto at saka bumaba dahil nakaramdam siya ng pagka-uhaw.
ng nasa kusina na siya ay nakita niya ang pinto sa likod-bahay na naka-bukas.
hindi na sana muna niya iyon papansinin ngunit natigilan siya ng may nakitang anino ng isang sanggol.
hindi niya iyon maaninag dahil sa madilim ang lugar na kinalalagyan nito.pinikit niya ang mga mata at ng idilat niya ito ay laking gulat niya sa nakikita.
unti-unting nanlilisik ang mapupulang mata ng kanina'y maamong mukha ng isang sanggol. nanunulis ang mga kuko, at unti-unting lumalabas ang mahahaba't matutulis nitong pangil.
kita pa niya ang mga bahid ng dugo sa mukha ng isang... Tiyanak.
naririnig niya ang malakas na sigaw ng babaeng inuunti-unti nitong kitlan ng buhay.
kitang-kita niya kung paano sinimulang kagatin ng halimaw ang maumbok na tiyan ng babae.
sa loob noon ay walang ano-anong kinuha ang isang duguang sanggol at walang pangingiming kinain. sumunod ang pag-sipsip nito sa dugo ng wala ng buhay na babae.matapos iyon ay walang awang tinusok ng mahahaba nitong kuko ang dibdib ng babae at nilabas ang puso nito.
sarap na sarap na sinipsip ng tiyanak ang mga kukong nabahiran ng dugo.***
"Gwenne, gising na, kakain na tayo." Ang gising ni Lester sa asawang biglang bumalikwas ng bangon.
napasapo si Gwenne sa kanyang ulo ng maka-upo. Hinihingal at butil-butil ang pawis."Anong nangyari sa iyo? Bakit ka hinihingal."
Ang tanong ni Lester sa kanya. Umiling lang siya at sumagot.
"Wala, masamang panaginip lang.""Sige na, maligo ka na at mag-ayos bago ka bumaba mauna na ako sa iyo at mahuhuli na ako sa trabaho."
Ang utos ni Lester sa kanya bago siya bigyan nang isang halik sa noo."Sige, mag-iingat ka." Ang tangi niyang nasabi bago siya iwan ng asawa at lumabas na sa kwarto.
naalala niya ang panaginip, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyon..umiling siya. Isang simpleng panaginip. Tama Isang simpleng panaginip lang ang lahat. Ang pagkumbinsi niya sa sarili.
Ngunit bakit tila totoo?
nagkibit-balikat lang siya.
panaginip lang yon.
Matapos noon ay tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Walang maitutulong kung iisipin pa niya ang bagay na imposibleng mangyari..Bumalik na agad si Lester sa pagpu-pulis matapos siyang manganak limang buwan na ang nakakalipas. At si Allice, ang kinuhang katulong ni Lester, Ang kasama niya sa bahay at nag-aalaga din sa anak nilang si Carl.
Nagdisisyon kasi si Lester na huwag na siyang pagtrabahuhin at manatili nalang daw sa bahay.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HororSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...