The Revenge: (pagdadalangtao)

43 0 0
                                    

Hihihi

"Ah!"
Ang biglang bangon ni Gwenne mula sa kinahihigang kama.
"Oh Gwenne, Gising ka na pala." Ang sabi ni Lester na may dalang tubig.

"Nasaan tayo?"
Ang wala sa sariling tanong ng babae. Masakit ang ulo at nahihilo. iyon ang pakiramdam niya ngayon.

"Andito tayo ngayon sa ospital. Simpleng sagot ni Lester. Kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid nang kama nang asawa.

"Bakit, anong nangyari?"
Ang nagtatakang tanong ni Gwenne, pinilit niyang alalanin ang mga huling nangyari,.
"HIndi ko alam, basta nakita kitang nakahiga sa sahig at walang malay, bakit anong nangyari?"
Natigilan si Gwenne nang maalala ang nakita niya bago siya mawalan ng malay, agad siyang nakaramdam ng takot,
(Tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako?)
Ang tanong niya sa isip.

"Gwenne, ayus ka lang ba?" Tanong ni Lester nang mapansing biglang natahimik ang asawa.
" A-ah, oo. bigla lang kasi akong nahilo kaya siguro ako nagkolaps kagabi."
Ang dahilan niya sa lalaki. ("Baka namalikmata lang ako.")

Ang pilit niyang isinaksak sa kanyang isip. Dahil hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya mapigilang kilabutan sa kanyang nakita.
Para bang totoo.

Nabalot nang katahimikan ang buong silid matapos iyon hanggang may kumatok kasunod ng biglang pagbukas ng pinto.

Agad na tumayo si Lester nang makitang doktor ang pumasok.
"Doc, ano pong nangyari, bakit po biglang nawalan ng malay ang mrs ko?"
Nag-aalala, kinakabahan, at pinagpapawisan si Lester sa hindi niya alam kung bakit. Natatandaan niyang ganitong-ganito din ang pakiramdam niya bago niya malamang buntis ang asawa sa panganay nilang anak na si Carl.

"Mr. Alkantara, wala po kayong dapat na ipag-alala. Infact, I have a great news for the both of you.."
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Lester sa nakikitang reaksyon ng doktora ng asawa.

"Ano po iyon doc?"
Ang tanong ni Lester, bahagya nitong tiningnan ang tahimik na asawang nakaupo sa kama.
"Nagdadalangtao ang asawa mo.."

Natigilan si Gwenne at natulala. Madami pang sinabi ang doktora ngunit wala na siyang naintindihan pa. napako na ang kanyang isip sa huli nitong sinabi.

Kung hindi pa siya niyakap nang asawa ay hindi pa din siya nakakabalik sa wisyo.
"Gwenne, narinig mo yon? magkaka-anak na uli tayo!!"
Ang masayang sabi sa kanya ni Lester.
"Oo Lester, oo. Ang saya-saya ko!"
May luha ngunit may ngiti sa labi niyang sabi sa asawa. Hindi maikakailang parehas sila ng nararamdaman ng asawa dahil sa liwanag ng mga mata nitong nakatingin sa kanya.

the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon